Wednesday, December 14, 2005

Korina and Mar at the Megamall

Mar-Korina Photos
National Scale Modeling Competition
Atrium, SM Megamall, Mandaluyong City
December 10, 2005

Mar-Korina Newsblog
Senator Mar Roxas and Korina Sanchez

Mar-Korina Newsblog

Mar-Korina Newsblog
Mr. EG Ruiz, Korina Sanchez and Sen. Mar Roxas

Mar-Korina Newsblog

Mar-Korina Newsblog

Mar-Korina Newsblog

Mar-Korina Newsblog

Mar-Korina Newsblog

*Photos Courtesy of IPMS Philippines.

Korina, Feel Magkaanak Kay Mr. Palengke

Korina Feel Magkaanak Kay Mr. Palengke
Bulgar Tabloid
December 13, 2005
By: Ador Saluta

Nung minsang makausap namin si Ms. Korina Sanchez, hindi siya nakaligtas sa usapin tungkol sa plano nilang pagpapakasal ni Senador Mar Roxas. Kung sa year 2006 na nga ba o sa lalong madaling panahon? "Wala pang definite (plan)," malumanay na sagot ni Korina sa amin. "Marami kaming napagkukuwentuhan in the future at kasama na yun, pero wala pa talagang definite. Kung magiging happy ending, okay. Kung hindi kami, di hindi," sey pa ng respetadong broadcast journalist na napapanood sa Rated K.

Wala raw siyang masabi sa sobrang kabaitan ni Sen. Roxas. "He's very down-to-earth, sa tingin pa lang ay edukadong tao at napaka-intellectual pag kausap mo. Ibababa niya ang level ng kanyang understanding depende sa taong nakakausap niya. Very carinoso, kasi nga Ilonggo, and most of all, he's a best friend and a critic," pagmamalaki pa ni Korina sa BF.

Other plans in the future? "Gusto kong magkaanak," diretsong sagot ni Ms. K sa amin. Kung sino ang magiging ama ng kanyang dream baby, sino pa nga ba kundi ang kanyang "LOVE OF MY LIFE," si Senador Mar.

*Special thank you goes out to ate Ana of the K2K Yahoo Group for typing this article.

Friday, December 09, 2005

Korina, Gustong Magka-baby

Korina, Gustong Magka-baby
Tempo
Timing
By: Rowena Agilada


Kumusta naman sila ni Senator Mar Roxas? Kailan ba talaga ang wedding? "Ano ba 'yan? (laughs) Napag-uusapan pero wala pa talagang plano. As for now, we're okey. Si Mar na yata ang ambisyon ng maraming babae sa mundo (laughs again)."

What makes him special? "He's very down-to-earth. Simpleng tao. Simpleng magsalita at very considerate as a conversationalist."

Despite their busy schedule sa kanilang respective jobs, they find time for each other, ayon kay Korina. They travel a lot. They go out of town or watch DVD together. Ibinuko pa ni Korina na mahilig kumain si Senator Mar at paborito nito ang ice cream.

May mga nagdududang diumano'y ginagamit lang siya ni Sen. Mar for his political career. What can she say about it? "Hindi ko nararamdamang ginagamit niya ako. Sa edad ko ba namang ito'y magpapagamit pa ako? If ever gusto akong gamitin, may blessing ko naman 'yon," she said laughing.

Asked kung ano pang gusto niya sa kanyang personal life, "Gusto kong magka-baby," walang kagatul-gatol na sabi ni Korina.

~*~

Ang Pilipino STAR Ngayon
December 9, 2005
Rated A


Samantala, inamin niya na napag-uusapan na rin nila ang kasal. Hindi ba naman natatakot si Korina na baka hindi na sila magkaanak ni Sen. Mar?

"Yun na nga. Medyo nag-uusap na kami pero wala pang definite plan. But in the meantime, I'm very conscious of it. I'm very conscious about supplements and all to keep my reproductive system alive. Ako naman siyempre, pangarap ko 'yun. Kung ibibigay sa 'yo, ibibigay, kung hindi, hindi," paliwanag pa niya.

Ayon kay Korina, napaka-homebody ng boyfriend niyang si Sen. Mar Roxas.

"Actually, pareho kaming hindi palalabas. It's either bibisitahin niya ako or doon ako sa bahay nila kasama ang pamilya niya. Family-oriented sila. Very tight. Hindi nga ako sanay kasi 'yung iba kong naging boyfriend puro bad boy," natatawa niyang kuwento.

Pati si Noynoy Aquino? tanong namin.

"Hindi. Good boy din 'yun. Obvious ba na mukhang good boy? Kasi 'yung iba, adventurous, pala-labas sa gabi, pala-sayaw," aniya.

Marami ang naniniwala na malaki ang naitulong ni Korina sa pagiging No. 1 senator ni Mar Roxas nung nakaraang halalan.

"Yes. He is the first to say na malaki rin ang kinalaman ko doon but you have to give it to him na malaki rin ang ginastos ng family niya for the election," ani Korina.

Biniro namin si Korina na hindi malayong maging First Lady siya kapag tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa si Sen. Mar. "Nakakatawa nga, eh. Pati yung mga cigarette vendors ang tawag sa kanya ay Mr. President. Ganun!"

Thursday, December 08, 2005

Korina, Almusal Every Morning Kasama Si Sen. Mar

Korina, Almusal Every Morning Kasama Si Sen. Mar At Ang Pamilya Nito
Ang Pilipino Star Ngayon
December 8, 2005


Hindi itinatago ni Ms. Korina Sanchez na isa sa dream niya ay ang magka-anak kapag nag-asawa na siya, pero paano mangyayari 'yun kung hindi pa pala sila magpapakasal ng kanyang fiance na si Senator Mar Roxas.

"We're talking about our future, pero hindi pa napunta ang usapan on settling down. Kaya nga I'm taking up supplemental medicines to keep my reproductive system active para puwede pang magka-anak, di ba?" pahayag ni Ms. Sanchez.

At klinaro rin niya ang isyung live-in na sila ni Sen. Mar dahil every morning ay nakikita siya ng mga kapitbahay na lumalabas sa gate ng Araneta compound along Tuazon Avenue, Cubao, QC.

"Of course not, ang mahal-mahal ng renta ko sa bahay ko 'no? I have my own place sa Bel-Air. A, siguro nakikita ako kasi I join him (Mar) every morning for breakfast together with his family."

"Kasi tumatawag si Mar at sabi niya, do'n ako mag-breakfast and since on the way naman siya sa ABS-CBN kaya dumadaan ako."

"I woke up at 6:30AM, I leave the house at 7AM, and before 8:30, I'm at the office na for my morning DZMM radio program with Ted Failon," paliwanag pa ng future Mrs. Roxas.

Ang maganda raw sa relasyon nila ng kilalang Senador ay pareho silang homebody, "Kaya nagkakasundo kami na kung may time kaming magkita, sa bahay na lang niya o he visits me in my house. Hindi kami ma-gimmick at napagdaanan ko na 'yun kaya siguro nage-enjoy na lang akong nagkukuwentuhan kami."

Korina and Mar on Homeboy

Homeboy
September 6, 2005


MarKorinaNewsblog


Senator Mar: Nagpapasalamat lang talaga ako, na binigyan nya ako ng pagkakataon. Ngayon ay siguro halos dalawang taon na kami magkasama, at it's fresh as the first day...

Korina: I think, siya yung isang bagay na talagang nakapagpatayo sa akin sa isa sa mga pinakamasakit at pinakamahirap na bahagi ng aking buhay. At ah, kung dahil lamang doon, nalalaman kong talagang alok sya sa akin ng langit. And because of Mar, now I believe that dreams really do come true.