Monday, January 07, 2008

Kasalang Mar-Korina Ngayong 2008

Kasalang Mar-Korina Ngayong 2008
Pilipino Star Ngayon
January 7, 2008
By: Rudy Andal


Desidido na si Sen. Mar Roxas na pakasa­lan ang girlfriend nitong si ABS-CBN broadcaster Korina Sanchez sa taong ito.

Sinabi ni Sen. Roxas sa ilang mediamen ka­makalawa ng gabi, hindi na siya makakapag­hin­tay pa ng 2009 o 2010. Matagal na anya nilang plano ni Korina ang lu­magay sa tahimik at sa taong ito ay nasisiguro niyang magaganap na ang kasalan.

Wala namang ibini­gay na eksaktong petsa si Roxas kung kaila­ nga sila magpapa­kasal ng lady broadcaster pero siniguro nitong sa taong ito ay mangyayari ito.

“Masyadong mata­gal naman kung Dis­yembre siguro earlier than that. Matagal na naman naming plano ito ni Korina at this year magaganap ito,” wika ng mambabatas.

Umiiwas naman si Roxas na pag-usapan ang posibleng pagtakbo niya bilang presidente sa 2010 dahil sobrang aga pa daw para pag-usapan ito dahil mahigit dalawang taon pa bago ang susunod na presidential elections.

Aniya, mas angkop na pag-usapan ang mga panukalang batas na makakatulong sa kabu­hayan ng taumbayan.