Monday, March 30, 2009

Are Korina Sanchez and Sen. Mar Roxas Getting Ready For Married Bliss?

Are Korina Sanchez and Sen. Mar Roxas Getting Ready For Married Bliss?
ABS-CBN Showbuzz Feature
Bernie Franco
March 29, 2009


Sa isang madalang na pagkakataon ay nasaksihang very sweet sina Korina Sanchez at Sen. Mar Roxas nang mag-out-of-town sila sa Capiz. Sakay ng isang scooter, maraming nakasaksi sa paglilibot ng dalawa sa probinsya noong dumayo sila roon para sa Western Visayas Sports Fest kamakailan. Ayon sa The Buzz kahapon (Marso 29), marami umano ang natuwa nang makitang naka-motor ang dalawa na sobrang sweet. "Naku hobby ‘yan ni Mr. Palengke (Sen. Roxas), umangkas lang ako talaga. Nakakatawa nga e, para kaming mga bata, habang lumiligid-ligid kaming naka-scooter do’n sa Capiz pakaway-kaway," paliwanag ni Korina. Naging makahulugan din ang sagot ni Korina nang tanungin siya kung malapit na ba silang magpakasal ng senador. “Ang kasagutan d’yan ay malalaman sa lalong madaling panahon.”

Samantala, sinabi ni Ruffa Gutierrez sa Points, Opinions and Violent reactions (POV) portion ng The Buzz na limang taon na umanong mag-kasintahan ang dalawa. Handa umanong ikutin ni Korina ang Pilipinas upang tulungang mangampanya si Sen. Mar kung sakali mang mag-ambisyon itong tumakbo ng mas mataas na posisyon. Tuwang-tuwa naman ang host na si Kris Aquino sa dalawa. Naging co-host ni Korina si Kris dati sa Morning Girls with Kris and Korina noong 2002 hangang 2004. “You can really tell the mutual support (between them),” paliwanag ni Kris. “You can feel that she is so proud of him and he is so respectful of her.” Sinabi naman ni Boy Abunda na kitang-kita sa kanilang dalawa na nage-enjoy ang sila sa tuwing magkasama.

Patunay lamang daw ito kung gaano ka-committed si Korina sa harap man o likod ang camera.

Thursday, March 19, 2009

Sen. Mar and Korina In Roxas City

A Day With Sen. Mar
Video from You Tube : Courtesy of Mr. Anthony Stephen (
stephenacepcion on youtube)
Video posted w/ permission.

Sen. Manuel Roxas and Korina Sanchez graced the opening of Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet on March 15, 2009.

Monday, March 16, 2009

Wedding Bells For Mar and Korina?

Sen. Mar Roxas and Korina Sanchez Ikakasal Na?
Originally Posted at : http://snnonline.multiply.com/
March 13,2009



Video from You Tube

Sunod-sunod ang mga nagtanong sa mag-sing irog na sina Sen. Mar Roxas at ABS-CBN chief correspondent Korina Sanchez nang sabihin ni Kris Aquino sa SNN na inimbitahan ang kanyang anak na si Baby James na maging ring bearer sa kasal nila. “Kayo naman pinangungunahan niyo ako, pabueluhin niyo naman ako ng kaunti,” natatawang sagot ni Sen. Roxas sa mga media na nakahuli sa kanila ni Ms. Korina Sanchez sa concert ni Natalie Cole kamakailan lang.

Natawa rin si Korina nang banggitin ang nasabi ni Kris sa show. “Alam mo matagal na akong minamadali ni Kris. Marami na ring manghuhula ang nasira sa petsang ito. Kayo ang unang makakaalam. Mahirap naman kasi kung hindi pa naman ako tinatanong,” sabay tingin ni Korina sa kanyang katabi. “Pa-bueluhin ninyo naman ako,” sabay sabi ni Sen. Roxas.

Nagparinig naman si Korina sa kanyang boyfriend nang tanungin tungkol sa pagiging ring bearer ni Baby James. Sobrang cute daw ng baby ni Kris nung huli silang magkita at approve kay Korina ang pagiging ring bearer nito. “Nga lang sana, wag naman 12 years old na siya,” nakangiting sabi nito. Nagjoke na lamang si Sen. Roxas at sinabing kabilang si Natalie Cole sa ino-audition nila sa kanilang entourage.

Sabi naman ni Kris, two years old na si Baby James sa April 19. Hopefully soon na raw ang magaganap na kasalan ni Sen. Roxas at Ms. Sanchez dahil marami na ang sabik sa okasyon na ito.

Baby James Ring Bearer in Mar-Korina Wedding

Baby James Ring Bearer in Mar-Korina Wedding
abs-cbnNEWS.com
March 6, 2009


James Yap Jr., the youngest son of the Philippines’ Queen of Talk Kris Aquino and star cager James Yap, will be the ring bearer in the much-awaited wedding of ABS-CBN news anchor Korina Sanchez and Senator Mar Roxas II.

Aquino announced over ABS-CBN's “SNN: Showbiz News Ngayon” that she won’t disclose other details of the wedding except that her baby boy will be part of the special occasion.

“Ito I can safely say this. I'm not gonna say when [the marriage will be] cause it's up to Korina and Mar, but definitely, ring bearer si Baby James. Kasi hindi ba nag-interbyuhan kami ni Korina, kinumpromiso ko na siya na first time na magri-ring bearer ni Baby James for my kinakapatid Mar Roxas and for my dear friend Korina Sanchez,” Aquino said.

Aquino spilled the beans after SNN reported the current status of Roxas and Sanchez’s romantic relationship.

"Masaya, puno ng pag-ibig. Happy kami at saka maganda, nagkakasundo kami kasi pareho kami ng gusto para sa bayan natin," Sanchez said. "So todo support ako sa kanya, todo support din siya sa akin."

Asked by SNN if there’s already a date for the wedding, Sanchez was evasive and simply replied: “Ikaw ang unang makakaalam.”