Thursday, June 10, 2004

Korina at Mar Umamin Na

Korina at Mar Umamin Na
Kabayanonline
May 29, 2004
Ni Aya Martinez

IBANG klase talaga itong si Kris Aquino. Sa huling show nila ni Korina Sanchez sa Morning Girls, kung saan guest nila ang rumored boyfriend nito na si Sen. Mar Roxas talagang ginawa lahat ni Kris ang pangpipiga mapaamin lamang niya ang dalawa na totoong sila na nga.

Hindi naman nagdamot si Senator Roxas at sinabing pinaka-importanteng tao sa kanya si Korina at idinagdag niyang ito ang gusto niyang maging first lady kahit saan siya mapunta maging sa palengke man iyon.

Pero naku talagang magaling umiwas si Korina na ayon kay Mar ay talagang konserbatibo. Bagaman inamin ng magandang TV host-broadcaster na nag-celebrate sila kamakailan ng kanilang pagiging isang taong magkakilala ay pilit pa rin siyang tinatanong ni Kris kung 'yun nga lang ba ang dahilan ng kanilang selebrasyon. Kahit ano pa ang gawin ng magso-solo na ngayong host sa bagong programang Good Morning Kris ay talagang mahusay sumagot ang dalaga ng "certifiably so."

Talagang nakakikilig ang eksena sa istudyo lalo pa at ipinakikita sa kamera ang paghawak ni Mar sa kamay ni Korina bukod pa ang paggri-greet niya rito ng halik sa pisngi nang pumasok siya sa loob ng istudyo. Sinabi rin ni Senator Roxas na isang ikinagusto pa rin niya sa dalaga ay ang pagiging family-oriented nito na tulad niya. Sa parte naman ni Korina sinabi niyang ngayon lamang sila talagang naging close ng binatang pulitiko dahil kahit magkakilala na sila noon pa ay hindi sila naging kasing close ng gaya ngayon.

Sinabi rin ni Korina na kaya siya umabot sa edad na 40 ay sapagka't talagang nag-iingat siya at marahil ay kagaya rin daw ni Mar na nagsisiguro na hindi na magkakamali sa pagpili ng makakasama sa habambuhay. Well, good luck sa inyong dalawa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home