Wednesday, June 09, 2004

Korina, Di Umaasam ng Kasal kay Mar Roxas

Korina, Di Umaasam ng Kasal kay Mar Roxas
May 28, 2004


Sa bagong show ni Korina Sanchez, ang Rated K, na magsisimula na sa Sunday, 5:30 PM, inungkat ang napipintong kasal daw nila ni Senator Mar Roxas ngayong June.

Siyempre, ano ba ang kasunod sa panalo sa eleksiyon ni Mar, kundi ang paglagay sa tahimik nila ni Korina? Eh, tamang-tama nga raw nasa second episode ng Rated K ay tungkol sa kasal ang kanilang topic. Guest kaya si Sen. Roxas?

"That's our second episode, it's all about kasal.Tamang month ang June to talk about that."

"Sa amin, wala pa! Wala pa!" giit ni Korina.

Sabi nga ni Korina, pabagu-bago ang takbo ng buhay ng tao. Puwedeng sila ngayon, pero bukas ay hindi na. So, tama nga na huwag na lang munang umasam ng kasal, `di ba?

*Article was posted at pretty_kriskorina yahoo group . No source was cited by the original poster.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home