Thursday, June 10, 2004

Korina 'Ginawang Babae' Ni Sen. Mar Roxas

Korina 'Ginawang Babae' Ni Sen. Mar Roxas
Taliba
May 30, 2004
Profile
By: Butch Roldan


MALIBAN sa kaligayahang pampuso, may isa pa raw napakahalagang ambag sa buhay ni Korina Sanchez ang No. 1 Senator sa katatapos na halalan na si Mar Roxas.

"Meron nang nagpapaalaala sa akin ngayon na babae ako. Before kasi, I thought I was growing balls," nakatawang wika ni Korina sa panayam namin sa kanya kamakailan kaugnay ng kanyang bagong show titled Rated K na magsisimula na sa ere ngayong Sunday, 5:30 to 6:30 p.m. on ABS-CBN.

Tanggap naman kasi ni Korina na maraming nag-aakala na siya ay isang tomboy dahil nga sa sobrang tapang niya bilang broadcast journalist. Marami rin namang kalalakihan na naniniwalang babaing-babae si Korina and find her very sexy. Ang Ayaw sumabak sa pulitika ni broadcast journalist Korina Sanchez sa kabila ng kanyang kasikatan. Problema nga lang, lahat ay nai-intimidate sa katapangan niya. Until dumating nga sa buhay ng No. 1 lady broadcaster ng ABS-CBN ang "gutsy" na si Mr. Palengke na walang pakialam sa katarayan ni Koring. And they became sweethearts after ng mahaba-haba ring ligawan na from the very start ay naging hayag at sinubaybayan na ng publiko.

Ngayon, "babae" na nga si Korina. Pero, may isang bagay daw sa kanya na hinding-hindi mababago ni Sen. Mar Roxas, ang pagiging walang hilig sa pulitika.

"Ever since naman, politics is not included in my plans," aniya.

Pero kahit na ayaw mo, diin namin, since nasa politics ang iyong boyfriend and soon-to-be husband, hindi puwedeng 'di ka ma-involved dito.

"Oo naman. Ang ibig kong sabihin, hindi ako tatakbo sa pulitika. Just in case na kami na nga talaga, tutulong lang siguro ako, sa abot ng aking makakaya, sa projects niya. At syempre, magiging guiding force din niya na ginagawa ko na rin naman ngayon as a commentator and a broadcaster," sagot ni Korina.

By the way, she regards Rated K bilang bagong development sa kanyang broadcasting career, although nagkaroon na raw siya ng ga-nitong format noon sa Balitang K seven years ago. Tulad ng Balitang K, newsmagazine din daw ang Rated K only that this time maraming bagong rekado sa programa na siguradong aangkop sa panlasa ng televiewers.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home