Sunday, June 06, 2004

Korina Inalok Ng Kasal!

Korina Inalok Ng Kasal!
Abante-Tonight
February 15, 2004
By: Rose Miranda


Kakaibang eksena ang ginawa kahapon ni dating Department of Trade and Industry (DTI) at ngayo'y senatorial candidate Mar Roxas nang pasorpresa nitong alukin ng kasal ang newscaster na si Korina Sanchez kaalinsabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Sa nakalap na impormasyon ng TONITE pasado alas-sais kagabi nang dumating ang newscaster ng ABS-CBN na si Korina sa Baguio City upang paunlakan ang imbitasyong 'Valentine Date' ng napapabalitang nobyo nitong si Roxas.

Mula sa Maynila ay ipinasundo pa umano ni Roxas ng chopper ang newscaster patungo sa Baguio Country Club kung saan ginanap ang date ng dalawa.

Pagdating umano ni Korina sa Country Club ay inilabas ng senatorial candidate ang mamahaling singsing at tinanong ang newscaster ng katagang 'will you marry me'.

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito'y wala pang kumpirmasyon kung tinanggap ni Korina ang alok.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home