Monday, June 07, 2004

Korina Sanchez, Malimit Hanapin Ng Tao Kay Mar Roxas

Pilipino STAR Ngayon
April 17, 2004
BABY TALK
By: Salve V. Asis


So far, hindi pa naman tinatawag na Mr. Korina Sanchez si former Sec. Mar Roxas na nakikipag-agawan sa no. 1 slot ng mga senatoriables sa pinaka-latest na survey ng SWS. Kung sabagay, mas kilala naman siyang Mr. Palengke. Although may time na talagang hinahanap ng mga tao sa kanya ang girlfriend na si Korina.

Anyway, ayaw pang magsalita ni Sec. Mar tungkol sa plano nilang kasal ni Korina. Tatawa-tawa lang siya nang tanungin namin tungkol sa wedding plan nila ng host ng Morning Girls and anchor ng TV Patrol. Basta ang sinasabi lang niya: "Hindi naman natin hawak ang bukas eh."

Ang importante, hanga siya kay Korina at pareho silang happy sa relationship.

Almost six years ago nang first time silang mag-usap ng tungkol sa kanilang buhay as in kuwentuhan tungkol sa mga personal na bagay-bagay dahil pareho sila noong awardee ng National Press Club.

"First time naming nagkita sa National Press Club kung saan pareho kaming awardee. Recepient ako that time as outstanding congressman, siya naman, outstanding broadcaster," Sec. Mar recalled. "`Yun yung first time na nag-usap kami ng personal na matagalan although prior to that, nag-uusap na kami professionally," he added.

Pagkatapos ng nasabing incident, hindi na uli sila nag-usap, although paminsan-minsan, nagkikita raw sila sa mga party na hindi naman puwedeng maging sila agad dahil pareho pa sila noong may commitment.

Pero one day, paggising niya na-realize niya ang importance ni Korina sa buhay niya. Do'n siya nag-decide na tawagan at imbitahin ang lady broadcaster na mag-merienda. "Nag-ice cream kami sa Haggen Dazz somewhere in Makati."

Do'n nag-start ang lahat. Since then, naging regular na ang communication nila. Pero ayaw ikuwento ng buo ni Sec. Roxas ang details pagkatapos ng kanilang date over ice cream.

In fact, ayaw niya ngang sabihin kung kelan ang anniversary nila or ilang beses siya dumalaw kay Korina or kung anong gift ang pinadadala niya sa girlfriend.

Ang na-mention niya lang nang minsang mag-cut siya ng ribbon sa bagong shop ni Joyce Jimenez sa SM Manila, binigyan sila ng give aways na mga perfumes, diretso kay Korina ang nasabing gift pack. Aanhin nga naman niya yun.

Kinikilig ang tao sa `loveteam' nila ni Korina. Obvious kasi na in love ang partner ni Kris Aquino sa Morning Girls sa most eligible bachelor in the country.

Actually, totoo ring nakakatulong `yun para mas tumaas ang rating niya sa mga survey. "Oo naman, pero hindi naman si Korina ang kabuuan ko. Tinitingnan din naman nila `yung mga nagawa ko no'ng time na congressman ako and Trade Secretary," katuwiran naman ni Mar over lunch sa Cibo in Quezon City.

Sa edad na 47, malakas pa rin ang appeal ni Mar Roxas.

In fact, prior to Korina marami sa kanyang nali-link na mga artista.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home