Thursday, June 10, 2004

Korina Sanchez Nagpaalam Sa 'Morning Girls'

Korina Sanchez Nagpaalam Sa 'Morning Girls'
May 29, 2004

Habang katabi ang nobyong si Senator-elect Mar Roxas, namaalam bilang host ng programang "Morning Girls" nitong Biyernes si Korina Sanchez. Pag-alis niya sa programa, tututukan ni Sanchez ang kanyang "Rated K,Handa Ka Na Ba?" na may temang "news and current affairs." Mapapanood ang bagong programa tuwing 5:30 p.m. ng Linggo at papalit sa binakanteng oras ng programang "Sharon."

Sa darating na Linggo ang unang pagtatanghal ng bagong programa ni Sanchez.

Samantala, sa pamamaalam ni Sanchez sa programa kung saan niya kasama si Kris Aquino, hindi nakaiwas ang brodkaster sa mga tukso ng kapwa TV host. Maging ang bagong-halal na senador ay kinantiyawan din ni Aquino.

Sagot ni Roxas, nakikita niya si Sanchez bilang asawa sa hinaharap.Bukod sa pagiging independienteng pag-iisip ni Sanchez, sinabi ni Roxas na nagustuhan niya ang pagkatao at kagandahan ng kalooban ng nobya.

"Mahalaga sa akin 'yung hinahangaan ko rin 'yung makakasama ko," pahayag ni Roxas.

Habang kinakausap ni Aquino ang dalawa, bahagyang lumihis ng usapin si Sanchez. Sinabi ng brodkaster na kahit hindi madalas maging panauhin ng "Morning Girls" si Roxas, mangunguna pa rin ang senador sa bilangan ng balota.

Malimit maging panauhin ng programa si Roxas noong panahon ng kampanya.

Binanggit din ni Sanchez na sa hinaharap, kasama man siya o hindi ay magigign mabuting pangulo ng bansa si Roxas. Si Roxas ay apo ng dating pangulong Manuel Roxas.

Bago magtapos ang programa, tinanong ni Aquino kung mahal ni Roxas si Sanchez: "Absolutely," sagot ng senador. Sagot ni Sanchez sa tanong kung mahal niya si Roxas, "Certifiably so," na siyang nagdulot ng hiyawan mula sa mga manonood.

Sa kaugnay na ulat, magkakaroon ng bagong programa si Aquino sa oras na binakante ng "Morning Girls." May pamagat itong "Good Morning,Kris" at matutunghayan simula 10:30 a.m. sa Lunes.

*Article was posted at pretty_kriskorina yahoo group . No source was cited by the original poster.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home