Friday, June 11, 2004

Korina, Sen. Mar, Magbabakasyon Sa US

Korina, Sen. Mar, Magbabakasyon Sa US
Kabayanonline
June 10, 2004
By: Maria Lumbera


PAGKATAPOS umamin sa telebisyon na isang taon na silang may relasyon, balita na pupunta ngayon sa Estados Unidos sina Sen. Mar Roxas at ABS-CBN broadcaster Korina Sanchez para sa isang "victory" holiday.

Pero hindi sila lang ang magbabakasyon. Kasama ni Mar ang kanyang mommy (Judy) at kapatid na si Ria at iba pang mga kamag-anak. Isa itong patunay na tanggap na ng mga kamag-anak ni Mar (Roxases at Aranetas) si Korina.

Bagaman hindi pa nagpo-propose ng kasal si Mar kay Korina, maraming ang nagsasabi na kung tatakbo ito sa pagka-pangulo sa 2010, malaking tulong ang magagawa ni Korina para manalo.

Well, marami ang nananalangin na magkatuluyan ang dalawa. Malay natin baka mapapayag na ni Mar si Korina na magpakasal na sila sa bakasyon nila sa Estados Unidos. Tingin namin? Bagay sila.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home