Wednesday, June 09, 2004

Korina,Inaamin Na Ang Relasyon Nila Ni Sen. Roxas

Pilipino Star Ngayon
May 29, 2004
By: Veronica R. Samio


Yes, sa presscon ng kanyang solo magazine show sa ABS CBN na pinamagatang Rated K Handa Na Ba Kayo? ay inamin na ni Korina Sanchez na may relasyon na nga sila ni Senator-elect Mar Roxas. At the same time, sinabi rin niya na ayaw niyang maging presumptous (ayaw pangunahan) dahil ang mga ganitong relasyon daw ay walang kasiguruhan. Kung nun ay sinabi niya na hindi siya mag-aasawa sa isang pulitiko pero, heto siya ngayon at mayro'ng relasyon sa isang politician.

Ang Rated K ay mapapanood sa time slot na iiwan ng Sharon show.

Matagal na ring hindi napapanood si Korina sa mga ganitong palabas simula nang mawala ang Balitang K. Sa programang ito gusto niyang muling buksan ang koneksyon niya sa publiko. Dapat nga raw ay magkasama sila ni Mar Roxas sa palabas na ito pero ngayong nanalo ito ay magiging abala na ito sa kanyang bagong tungkulin.

Magsisimula ang Rated K, bukas, Linggo, 5:30-6:30 NG.

Muli, ibabalik ni Korina ang konsepto ng balitang K na nagtampok ng mga makukulay na features from in and around the country na may personal touch ng host. Dito makakatulong ang maraming taong karanasan ni Korina bilang isang mahusay na broadcaster at isa sa pinagkakatiwalaang news personalities ng bansa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home