Monday, June 07, 2004

Mar, Korina, Nanood ng Konsyerto ni Bocelli

Mar, Korina, Nanood ng Konsyerto ni Bocelli
ABS-CBNNEWS.COM
May 1, 2004



Agaw-pansin sa eksena ang tambalang Mar Roxas at Korina Sanchez nang manood sila ng konsyerto ng Italyanong tenor na si Andrea Bocelli sa Araneta Center noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa mga nakasaksi, walang duda na konsyerto ng taon ang pagtatanghal ng Italyanong maestro. Pero dagdag nila, higit na pinagkaabalahan ang pagdating at panonood nina Roxas at Sanchez sa pagtatanghal.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakitang magkasama sa publiko sina Roxas at Sanchez. Matagal nang napapaulat na "seryoso" ang dalawa sa kanilang relasyon pero hindi nila ito kinukumpirma.

Sa tuwing makukunan ng camera, halata na balisa si Roxas dahil umaalis sa tabi ni Sanchez. Ngunit nakunan din siyang ipinapakilala ang brodkaster sa mga kaanak at kaibigan.

Bukod sa dalawa, namataan ding nanood sa konsyerto ang kilalang mga personalidad mula sa mundo ng show biz at pulitika tulad nina Raul Roco, Sen. Gregorio Honasan, House Speaker Jose de Venecia, Rosemarie Arenas, Gina Lopez, Gary Valenciano, Piolo Pascual, Cesar Montano at Sunshine Cruz.

*Thanks to Kuya Francis for the video grab.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home