Sunday, June 06, 2004

Mar-Korina News

The Journal Group
July 11, 2003
by Nel Alejandrino


Bakit ba bigla na lang umugong ang balitang there's something more than meets the eye between Trade Secretary Mar Roxas and feisty TV personality Korina Sanchez?

Unless nga naman Korina has called it quits with her alleged boyfriend Paul A, 'di kapani-paniwala ang balitang ito.

Kungsabagay, Korina will surely be an asset sa political career ni Mar Roxas. We heard na may balak ang Trade Secretary na tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa sa mga darating na araw. 'Di lang siya credible, matindi rin ang kanyang following.

Si Secretary Roxas ay galing sa angkan ng mga prominent politician. Anak siya ng dating tinitingalang Senador Gerry Roxas (SLN). Ang kanyang lolo ay dating presidente ng Pilipinas, si Manuel Roxas. Mar was actually named after his late lolo. Isa namang Araneta (ng Coliseum) ang ina ni Mar na si Judy.

Kaya, any way you look at it, good catch si Secretary Roxas.

Mar is actually not the first politician na na-attract sa beauty at pagkatao ni Korina. At one time, 'di ba naging girlfriend din siya ni Noynoy Aquino, anak ni Presidente Cory Aquino? Madalas nga siyang tuksuhin ng kanyang cohost sa Morning Girls na si Kris - kapatid na bunso ni Noynoy - na welcome na welcome pa rin ito sa kanilang pamilya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home