Sunday, June 06, 2004

Mar-Korina News

Pilipino Star Ngayon
February 18, 2004


We're happy for our good friend Korina Sanchez at mukhang totohanan na ang tungkol sa kanilang dalawa ni senatoriable Mar Roxas, kahit ayaw pa rin siyang umamin sa totoong relasyon. Pero hindi siya nakahindi kay Kris Aquino sa kanilang Morning Girls with Kris & Korina dahil kinulit siya nang kinulit nito hanggang sa magsabi na siya ng totoo.

Na on Valentine's Day, kasama siya sa Baguio City ng mga taga-ABS-CBN na nag-cover ng K-4 at umamin na rin siyang nag-dinner sila ni Mar Roxas, pero kasama raw sina Ces Drilon. Sa bagong restaurant sa Baguio City na Salud sila nag-dinner at umamin na rin siya kay Kris na Mar `held her hand.'

Totoo kayang after the election, wedding bells na ang aaminin ng aming kaibigan? Kaya hindi kami magtataka kung totoong sasamahan ni Korina na mag-campaign si Mar kapag solo-solo na lamang ang mga senatoriables sa kampanya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home