Thursday, June 10, 2004

Mar Roxas and Korina Sanchez: Sila Na Nga Ba Ang Susunod Na First Couple?

Mar Roxas and Korina Sanchez: Sila Na Nga Ba Ang Susunod Na First Couple?
Taliba
May 29, 2004
By: Leo M. Bukas



Senator-elect Mar Roxas and Korina Sanchez: Sila na nga ba ang susunod na First Couple?

Mar, Korina Susunod Na Presidente at first lady?

NAGING special guest sa Morning Girls With Kris and Korina ang top-notcher sa Senate race na si Sen. Mar Roxas. At siyempre, may makakaligtas ba naman kay Kris?

Hindi pa man nangangalahati ang programa ay inuukilkil na agad ni Kris ang tungkol sa lovelife nina Korina at Mar at kung ano na talaga ang real score sa kanila.

Halatang kinikilig si Kris habang tinatanong ang dalawa. Amazed lang kaya siya o medyo naiinggit sa magandang relasyon nina Korina at Mar?

Anyway, tinanong ni Kris si Korina kung mahal niya si Mar. Korina answered right away. Sinabi niya na she's certainly sure sa nararamdaman niyang pagmamahal kay Mar.

Lalo na kaming kinilig sa panonood dahil sa ka-sweet-an ng dalawa. Bagay na bagay sila sa totoo lang.

Kung hindi kami nagkakamali, ngayon lang ginawa ng dalawa na ilantad on national television ang kanilang relasyon. Hindi kasi sila mahilig mag-PDA (public display of affection) kahit nu'ng time ng election kaya nga marami pa rin ang hindi naniniwala na they're playing sweet music together.

At saka, sure kami na hindi pansamantala lang o nung election time lang ang init ng kanilang pagmamahalan. And we're glad na natagpuan na ni Korina ang kanyang tunay na pag-ibig, huh! 'Yon pala ang dahilan kung bakit blooming siya palagi sa morning show nila Kris.

Sa history ng senatorial race, si Mar Roxas lang ang nakapagtala ng pinakamaraming boto. Binura niya ang record nina Sen. Tito Sotto, Loren Legarda at Noli Boy de Castro.

If he's going to run sa susunod na eleksyon for President, malaki rin ang chance niyang manalo. Pero mas lalakas pang lalo ang chance niya kung magkakatulungan sila ni Korina. At kung mangyayari 'yon, si Mar ang susunod nating magiging presidente at si Korina naman ang kanyang magiging first lady.

Ang gandang kombinasyon, di ba?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home