Monday, June 07, 2004

Mar Roxas Mas Sumikat Dahil Kay Korina?

Kabayan Online
April 17, 2004
By: Aya Martinez


MALAKI ang naitulong ng pagli-link kay Korina Sanchez ng senatoriable na si Mar Roxas dahil bigla siyang sumikat at higit na nakilala.

May monicker na "Mr. Palengke" ang kandidatong senador pero umarangkada ang rating ni Mar nang mabalitang ka-on na niya ang co-host ni Kris Aquino sa Morning Girls. Sa latest survey pumareho na siya kay Bong Revilla na siyang no. 1 sa listahan. Wala pa namang inaamin si Korina pero marami na ang kinikilig sa kanila dahil bagay na bagay daw sila.

Sa isang pakikipanayam kay Mar Roxas inamin niyang isang napakaespesyal na babae sa kanya ng ex ng kapatid ni Kris na si Noynoy. Gustong-gusto raw niya ang mga mata nito na very expressive at ang kawangis ni Korina para sa kanya ay isang mabangong rosas (katunog ng Roxas). Bilib din daw siya sa dalagang napaka-gentle tingnan pero nakapaloob sa pagkatao ang tapang at tibay ng prinsipyo.

Sa mga tinuran ng senatoriable hayagang pag-amin na lamang ang kailangan para magkaroon ng katuparan ang pinakukulong tsika na magpapakasal umano ang dalawa pagkatapos ng eleksyon. At mind you si Madam President daw ang magiging ninang sa kasal dahil ito man daw ay kinikilig din sa pamumukadkad ng love affair nina Korina at Mar.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home