Sunday, June 06, 2004

Mga Kwento Ni Marc Logan

Mga Kwento Ni Marc Logan
TV Patrol
Feb 19, 2004

Sa Morning Girls with Kris and Korina nitong Huwebes, nayanig ang buong studio nang magbitaw ng salita si Ms. Korina Sanchez, na may pahiwatig na sila na nga ni "Mr. Palengke" Mar Roxas. Ang pinananabikang pag-amin ay nangyari dahil na rin sa pagpupursige ni Kris Aquino na ihayag ni Koring ang kanyang nasasapuso.

Ang kwento ng pag-ibig ni Korina sa Mga Kwento ni Marc Logan.

Desidido si Pareng Mar kay Korina.

Game na raw s'ya at next level na!

Maagang namalengke si lalake,

binadyet n'ya nang maige,

dahil 'di basta-basta ang pinamile!

Lampas sa budget ni "Mr. Palengke,"

pero okey lang daw kase,

kahit na mahal, e mahal n'ya e!

Ah, halos ulirat, ako ay panawan.

Larawan sila ng tunay na nagmamahalan!

Pero bakit ganu'n wala pa ring aminan?

Lumalaki na butas ng ilong ko sa sobrang bitinan!

And finally, kanina,

sa "K2K" sa Morning Girls with Kris and Korina,

Bumigay na nga ba ang broadcasting diva?

Sige Krissie urutin mo pa!

May pagbabadya na malapit na,

ah, ayan na, ramdam na ramdam ko na!

Hatawin mo pa Kristeta!

Ano na?

Yes, iyun na!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home