Wednesday, June 09, 2004

Relasyong Mar-Korina

Relasyong Mar-Korina
May 3, 2004


Pinilit iwasan ni senatoriable Mar Roxas ang kuwento tungkol sa kanila ni Korina Sanchez sa harap ng sampung manunulat. Pinilit din niyang iligaw ang mga manunulat tungkol sa mga plano niyang gawin kapag nanalo siyang senador.

Pero, tila mas naging makulit ang mga manunulat, dahil para sa kanila, mas interesado sa puntong ito ang kuwento ng pag-iibigan nina Korina at Mar. Mas masarap nga raw gawing pulutan sa harap ng kuwentuhan o inuman.

Pero, tila mailap talaga si Mar sa paksa nila ni Korina. Abala siya sa pagkukuwento sa mga karanasan niya bilang Mr. Palengke, at dito nakahanap ng tiyempo ang mga manunulat.

Inusisa si Mar ng mga manunulat kung mabibilang ba sa boto niya kapag `lover-boy' o `korina' ang inilagay ng mga botante sa balota.

"Kayo, ha," nakangiting reaksyon ni Mar.

Dugtong na tanong agad ng isang manunulat, ilang buwan na ang relasyong Korina at Mar?

"Matagal na," simpleng sagot lang ni Mar, na parang gusto pa ring lusutan ang pangungulit ng mga manunulat.

Pero, bagama't iniwas-iwasan ni Mar ang paksa tungkol sa kanila ni Korina, halata naman na biglang lumulutong ang kanyang mga halakhak sa tuwing inuusisa ito sa kanya.

"Basta matagal na kami, matagal ko na siyang kilala. Years and years na kaming magkakilala."

"Matagal ko nang hinahangaan si Korina, from a far. Matagal ko na siyang nakikita," sabi ni Mar.

Matagal na niyang pinagnanasaan si Korina?

"Hindi naman! Ha! Ha! Ha! Ha!"

"But most of our interaction was professional. Well, because she's a reporter, `di ba?" say ni Mar.

Natarayan na ba ni Korina si Mar noon?

"No, naman! Okey lang. Wala naman!" depensa niya.

Sa kuwento ni Mar, sa isang awarding sa National Press Club sila nagkaroon ng pagkakataon ni Korina na magkuwentuhan nang matagal. Pareho silang binigyan ng plake nu`ng mga oras na `yon. Ginawaran ng award ng NPC si Mar bilang Outstanding Congressman samantalang si Korina ay bilang Outstanding Broadcaster.

"Long, long time ago na `yon. Siguro, 5 years ago na `yon. She was an awardee, at ako rin. That was the first chance na nagkaroon kami ng conversation na hindi interviewer at interviewee. Siyempre, magkasama kami roon, magkatabi sa upuan, eh bumabagyo sa labas nung time na `yon."

"So, ang napag-usapan namin ay `yung baha, bagyo, trapik, pati scuba diving, dahil she's a scuba diver pala. So, nagkaroon kami ng conversation other than official."

*Article was posted at pretty_kriskorina yahoo group . No source was cited by the original poster.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home