Wednesday, June 09, 2004

Romantikong 'Date' 'Di Pinalampas ni 'Mr. Palengke'

Romantikong 'Date' 'Di Pinalampas ni 'Mr. Palengke'
May 3, 2004




Romantiko si Mar Roxas, ang napapabalitang kasintahan ng brodkaster na si Korina Sanchez, nang masilayan ang dalawa sa panonood ng konsyerto ni Andrea Bocelli noong Biyernes.

Sa panayam kay Roxas, sinabi ng kandidatong senador na hindi niya mapalalampas ang pagkakataong makasama si Sanchez sa isang "date."

Halata na hindi mapakali si Roxas habang ipinapakilala si Sanchez sa mga kapamilya at kaibigan matapos ang konsyerto ng Italyanong tenor sa Araneta Coliseum.

Samantala, tinawanan lang ng dalawa ang tanong kung kailan sila magpapakasal. Pero inamin nilang kapwa sila nadala ng emosyon habang nanonood ng konsyerto.

*Article was posted at pretty_kriskorina yahoo group . No source was cited by the original poster. Video grab courtesy of Kuya Francis .

0 Comments:

Post a Comment

<< Home