Thursday, July 15, 2004

People Asia Selling Like Hotcakes!

People Asia Selling Like Hotcakes!

Due to insistent public demand, People Asia's July 2004 issue is now on its second reprinting! They printed 80,000 copies but that was sold out the minute it hit the magazine stands! So, now they are reprinting additional 20,000 copies and another 10,000 copies to be shipped to the United States.

News Item On People Asia Magazine
ABS-CBN News (TV Patrol)
July 14, 2004

Samantala, inihalintulad sa pelikulang Spiderman 2 ang benta ng pinakahuling edisyon ng magasing People Asia dahil pabalat nito sina Korina Sanchez at Sen. Manuel "Mar" Roxas.

Ayon kay Beth Mendoza, opisyal ng magasin, sobra umano ang dami ng mga nais bumili ng magagin. Sa katunayan, nakakatatlong imprenta na sila.

Unang inilathala ang edisyon na umabot sa 80,000 mga kopya. Dinagdagan ito ng 20,000 pang mga kopya at hanggang ngayon ay mayroon pang iniimprenta.

Naniniwala ang kompanya ng magasin na naging mabenta ang edisyon dahil sa interes ng mga mambabasa sa romansa ng dalawa.

Ayon kay Roxas, "Maganda ang relasyon namin ni Korina."

Sa panayam ng programang Breakfast sa Studio 23, sinabi ni Roxas na sabik siya palagi na makakwentuhan si Sanchez.

Sa panig ni Sanchez, sinabi ng brodkaster na handa siyang isakripisyo ang trabaho alang-alang sa pag-ibig sa tamang panahon at pagkakataon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home