Monday, September 27, 2004

Korina at Senator Mar Roxas, Magpapakasal Na?!

Remate Tabloid
September 26, 2004
Magtapatan Tayo
Nora Calderon


Korina at Senator Mar Roxas Magpapakasal na?!

Naging center ng biruan si Sen. Mar Roxas na nasa Team 1 ng The Nivea Men's Relay Challenge na ginawa sa The Manila Speedzone sa Fort Bonifacio Global City last Friday. Hinahanap sa kanya ang girlfriend na si Korina Sanchez. Wala raw yatang inspiration si Senator Mar, kaya nagland lamang ng 4th place ang kanilang team.

At 8:45 dumating na si Korina Sanchez na tingin namin ay blooming ang beauty talaga, kaya nag-welcome pa sa kanya sina Martin Nievera at Jackie Castillejo, may inspiration na raw si Sen. Mar, na lalaban noon sa individual male challenge. Kaya lang, hindi umabot ang Senador sa top 6, kaya nagstay na lamang siya sa tabi ni Korina habang nanonood ng sumunod na competition. Biro ni Martin, na-excite si Sen. Mar sa pagdating ni Korina kaya hindi ito nanalo.

Sen. Mar Roxas Mas Gwapo Kung Walang Eyeglasses

Hiniling pa niya kay Sen. Mar na kung pwedeng tanggalin nito ang eyeglasses dahil hindi pa niya nakikitang walang eyeglasses ang Senador. Si Korina ang nagtanggal ng eyeglasses niya at siya rin ang nagbalik nito nang sabihin ni Martin na mas guwapo ang Senador kung walang eyeglasses.

May nagtanong tuloy sa amin, kakasalin na ba sina Sen. Mar Roxas at Korina Sanchez? Hindi ba ang sinabi nila noon, after ng national election, na next year sila magpapakasal?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home