Sunday, October 10, 2004

A Super Kilig Article

Bandera Tabloid
October 10, 2004
Chika
Cristy Fermin


"Naku grabe ako kung magmahal, slave ako!"

Syempre'y hindi mawawala sa Rated K ngayong gabi ang isa pang pinakamahalagang tao sa puso at buhay ni Korina, si Senador Mar Roxas, ang dahilan kung bakit kahit pagod sa pagtatrabaho ay kulay rosas pa rin ang kapaligiran ngayon ng newscaster.

Sa aming mga kwentuhan ni ate Koring na ayaw na niyang isapubliko pa namin ay damang dama namin ang matinding respeto at pagmamahal sa kanya ng senador, sa lahat ng karanasang naganap sa kanyang buhay nitong mga huling buwan ay nakakaalalay sa kanya ito, literal niyang nasabi na hindi sya nag iisa.

Pumanaw ang kanyang mga magulang, nasa tabi niya ang senador, nagkaroon siya ang problemang personal, nasa tabi niya si Sen. Roxas, wala siyang sinuong na giyera nitong mga huling araw na pinabayaan siya ng politiko, at hindi na niya kailangan pang magsalita para siya
damayan nito.

"Ang maganda sa relasyon namin, nandiyan ang pag uunawaan, ang pagbibigayan, magkaiba kami ng linya pero we understand each other, kung kailangan naming unahin ang sinumpaan naming tungkulin sa bayan. He's a politician, iniluklok sya ng bayan bilang number one senator, malaking responsibility ang kailangan niyang pananagutan. I let him do his job, I don't get in the way. Naiintindihan ko ang trabaho nya. Ako naman as a newscaster, he knows na may panahong pwede na kaming magkita, pero biglang nasisingit na ang schedule na kailangan kong gawin, naiintindihan niya ang responsibilidad ko sa publiko. Nagrerespetuhan kami, nauunawaan naming ang prioridad ng bawat isa. Yun ang dahilan kung bakit maganda ang relasyon namin."

Panano nga ba siyang magmamahal, ang matapang na babae ba sa harap ng kamera ay napaamo ng senador, ano nga ba ang nakakaya niyang gawin para sa isang minamahal?

"Naku! Grabe akong magmahal, slave ako, kaya kong ipagluto ang mahal ko kung kailangan. I can manage my time, walang problema kung kailangan kong gawin ang isang bagay to please him. Basta masarap akong magmahal, there are things that I can do na malayo sa inaasahan nyo sa akin." Tawa pa ng tawa sabi ni ate Koring.

*This is an excerpt from Cristy Fermin's column. Special thanks to Kace and to Ate Marie (who typed this article for us) of pretty_kriskorina yahoo group.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home