Wednesday, November 03, 2004

Wedding Nina Sen. Mar At Koring 'Wag Madaliin!

Buzz Magazine
November 15, 2004
Buzz Break
By: Bernie Franco


Senator Mar Roxas and Korina Sanchez

Animo'y makata sa pagtula ng pag-ibig si Sen. Mar Roxas kay Korina Sanchez. Ito ang nasaksihan ng The Buzz Magazin sa ginanap na GO Kart sa The Fort kung saan isa sa mga lumahok ang senador. Sa unang bugso ng karera ay hindi agad nakarating ang maprinsipyong magandang broadcaster. Kaya tinutukso ng mga miron ang senador na kaya nangulelat ay dahil wala pa ang secret weapon niya.

Pagdating ni Koring, agad siyang tinutukan ng kamera at inianunsyo na hudyat na umano iyon ng pagbilis ni Sen. Mar sa karera dahil dumating na ang inspirasyon. Pero nadiskaril pa rin ang porma ng numero unong senador dahil na-conscious.

"Ayos lang. Tama na 'yung no.1 siya sa Senate. Sa kanila na 'yung no.1 sa karting," pagtatanggol agad ni Korina sa kasintahan.

"Nagsimula ako sa kulelat, nagtapos na kulelat pa rin. Pero masaya itong Go Kart lalo na kung kasama si Korina," dugtong naman ni Sen. Mar at saka tumula sa harap ng nililiyag. "Ang ganda ng gabi, nandito kami magkatabi! Ano pa ang hihilingin ng isang binata na nakakita ng isang tulad ni Korina?"

"May pagka-Balagtas ka pala, hindi ko alam!" sabay tapik ni Koring sa balikat ng kasintahan at ang tamis ng kanilang naging ngitian.

Pero sumeryoso ang dalawa nang matanong kung kailan ba ang kanilang kasal?

"Huwag muna ninyong apurahin," hirit ni Koring na nagnanais na maging parang mga bagets pa raw sila sa ligawan stage ngayon.

Kakakilig! Kakainggit!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home