Monday, January 17, 2005

Korina Bumigay Sa Sobrang Ka Simplehan ni Sen. Mar Roxas

Balita
January 16, 2004
By: Dindo Balares


Mukhang sina Ms. Korina Sanchez at Sen. Mar Roxas na talaga ang magkakatuluyan.

"He's very simple, very upright, and he's for real," sabi sa amin ni ate Koring over a lunch last Friday. "He's very close to his family, he seldoms go out, hindi mabarkada."

Halata na wala siyang problema maging sa pamilya ni Sen. Roxas.

"They're really very friendly, funny, and smart," patuloy na kuwento ng magaling na broadcast journalist. "You won't be uncomfortable with them. Kahit naman mga kaibigan nila simple lang. "Di sila yong makikita sa mga sosyalan, di sila mga social butterflies, wala sila sa society pages."

Kung pakikinggan si Korina para bang amazed na amazed siya sa kasimplihan ng character ni Sen. Roxas.

"Di ko maisipan ang puwede kong iregalo kasi hindi naman siya materyoso, sapatos? Di naman sya mahilig sa sapatos eh! Ang relo niya Timex na ten years old na at hindi niya pinapalitan."

Magkasundong-magkasundo silang dalawa.

"Di rin naman kasi ako palalabas," sabi pa niya. Mas enjoy daw silang nasa bahay lang komportableng nagbabasa si "Mr. Suave" at siya naman ay nagtatahi ng kung anu-ano.

Nang itanong namin ang tungkol sa kasal... "wala pang pang ganon usapan" mabilis niyang sagot... "wala naman akong naririnig mula sa kanya. At di naman syempre manggagaling sa akin yon".

Kilalang may very brilliant mind sa banking/finance/business sector si Sen. Mar Roxas. In fact tinatawag itong genius ng iba.

So, hindi pala mahirap maging boyfriend ang genius?

"Mahirap din kasi pag sinisita ka tama siya!" napapangiting sagot niya.

Kung ganoon, tama ang sabi na sa pagmatagalang relasyon ay kailangan mas matalino ang lalaki kaysa sa babae? (Humanda na kaming masita dahil medyo may pagka feminist si Korina, pero kataka-takang sumang ayon siya!)

"I think ganon naman talaga ang natural order. Eh mas OK naman na sumunod ka na mas matalino sa iyo kaysa sa susunod ka na lang basta sa sinasabi ng alam mo namang bobo."

*A big thank you goes out to kace_jackie of pretty_kriskorina yahoo group for typing the article. :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home