Tuesday, January 18, 2005

Korina In Love!

Korina, Mahilig Mag-bf Ng Pulitiko
Pilipino Star Ngayon
Sanga-sangangdila
By: Veronica R. Samio


Obvious na in love si Korina Sanchez! Kitang-kita ito sa kanyang mga mata, sa madalas na pagngiti at pagiging positibo sa kanyang pananaw sa buhay. Hindi ibig sabihin na negatibo siya nun, dahil ang isa sa sikreto ng kanyang tagumpay bilang isang broadcaster ay ang pagiging masipag niya at pagkakaron ng dedikasyon sa kanyang trabaho. Hindi bale na siyang magpabalik - balik sa dalawang magkakalayong probinsya sa isang araw sakay ng isang helicopter, mabigyan lamang niya ng magandang panoorin ang mga TV viewers, sa pamamagitan ng Rated K.

Hindi na itinatago ni Korina ang kanilang relasyon ni Senador Mar Roxas. At isang patunay ng kanyang pagiging positibo, ang hindi pagpatol sa mga hindi magagandang balita tungkol sa kanila tulad ng diumano'y hindi boto sa kanya ang pamilya ng nobyo. Ang mahalaga sa kanya ay nagkakaintindihan silang dalawa.

Hindi rin siya napipikon sa walang humpay na tanong tungkol sa kung kailan sila pakakasal. "Hindi pa namin ito pinag-uusapan pero, kung saka-sakali, hindi sa akin manggagaling ang ideyang ito," sabi niya sa isang intimate lunch with some of her friends from the entertainment media. Sinimulan ang ganitong pagkikita-kita many years ago ng namatay na si Mama Elay Formaran na tumulong sa kanyang PR nun. Matatandaan na bago si Senador Roxas ay mga pulitiko rin ang dalawang naging boyfriend ni Korina na ang isa ay ang ngayo’y Congressman Noynoy Aquino.

Sinabi ni Korina na gusto ng kanyang pamilya ang kanyang boyfriend ngayon dahil napaka-bait nito. Hiniling din nito sa kanya na huwag niyang bibigyan ng regalo ang mga kasambahay nito. Pinagalitan pa siya nito dahil nung Christmas ay binigyan niya ito ng P10,000 worth ng imported ice cream. "Binili ko ito bago siya dumating ng bahay nung Pasko," katwiran ng magandang broadcaster nang tuksuhin siyang baka, bigay din ito sa kanya.

Pero kung ayaw nito ng gift, hindi naman ito madamot sa kanya. Ibinili siya nito ng isang Armani black dress na siya mismo ang pumili dahilan sa magkasama sila nang bilhin ito.

"Pero, siya di ko mabilhan ng gift dahil di siya mahilig sa shoes o damit. Yung relo nga niyang Timex ay plastic lamang at 10 yrs old na. Nang palitan niya ito ay ganun ding brand at kapareho ring plastic ang binili niya," pagkukwento ni Korina na umaming ang pagkakaron nila ng magkaibang hilig ni Sen. Mar ay hindi nakakaapekto munti man sa kanilang relasyon. Katoliko ang bf niya at born-again Christian naman si Korina pero madali siyang makapag-adjust. Ang relihiyon niya ay kung ano ang relihiyon ng boyfriend niya.

Marami naman silang pagkakatulad, tulad ng pareho silang tahimik. Kapag magkasama sila, ay nagbabasa ito ng libro at siya naman ay kung hindi nag-aayos ng bulaklak ay gumagawa ng mga vocational chores.

Sa kabuuan, masaya na si Korina. Sa kabila ng mga naganap na kaguluhan sa istasyong kanyang pinaglilingkuran, mayron siyang Rated K na pinagkakaabalahan at pinagaganda. Bukod sa kanyang boyfriend, ang maraming parangal na tinanggap niya para sa kanyang trabaho ay sapat nang incentive.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home