Monday, January 17, 2005

Sen. Mar, Mahal Din Ng Mga Kapatid Ni Korina

Pilipino STAR Ngayon
January 15, 2004
Baby Talk
By: Salve V. Asis


Isang Armani black dress ang Christmas gift ni Sen. Mar Roxas sa kanyang lady love na si Korina Sanchez na magkasama nilang binili. Siya naman, worth P10,000 Hagen Daz gift certificate. "Dahil mahilig siya do'n."

Pinagbawalan din siya ni Sen. Mar na regaluhan ang mga kamag-anak niyang (Mar) nakatira sa compound ng pamilya ng mga Roxas. "Wag ko na raw regaluhan," tatawa-tawang sabi ni Korina kahapon over lunch.

Nahihirapan din siyang regaluhan ang boyfriend. "Ang relos no'n Timex pa na binili pa yata ten years ago. Nagpi-fade na nga ang bracelet. Ayon nasira, pero Timex na naman na plastic ang suot na hindi niya talaga tinatanggal sa katawan. Minsan nga binilhan ko siya ng mamahaling shirt, pinagalitan pa ako. Ang hirap niyang bigyan ng regalo," reklamo ni Ms. Korina.

Nahihirapan din siyang makipag-argue sa boyfriend dahil masyado nga itong matalino. "Mataas na ang EQ mataas pa ang IQ. Kaya lahat ng sabihin, hindi ka puwedeng makipag-debate dahil lahat naman tama. Tungkol sa pera, syempre dati siyang investment banker," sabi pa ng in love na si Korina sa kuwentuhan kasama ang ibang entertainment editors.

Mahal na mahal din si Sen. Mar ng mga kapatid niya dahil mabait itong tao. "Kahit nga mga driver, janitor, mensahero namin, mahal na mahal siya," dagdag pa ng lady broadcaster.

Marami pang kuwento si Korina kaya halos ayaw sana naming umalis. Pero siyempre, may deadline...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home