Tuesday, January 18, 2005

Senator Mar May Potential Na Maging Presidente

Pilipino Star Ngayon
January 18, 2005
Baby Talk
By:Salve V. Asis


May plano pala talagang maging presidente si Kabayang Noli de Castro. Alam n'yo bang bumili na ng sariling diyaryo si Kabayang Noli late last year? Ilang milyon din daw ang cost ng nasabing diyaryo na kapangalan niya.

Ayon pa sa source, ayaw daw munang ipaalam ni Kabayan ang pagbili niya sa kapangalan niyang newspaper. Pero meron bang lihim dito na hindi pwedeng malaman?

Kung totoong may ambisyon siya, malamang na ang makakalaban niya ay si Senator Mar Roxas na ngayon pa lang ay tinatawag nang presidente. Kwento nga ng kanyang lady love, saksi siya sa mga sinasabi ng karaniwang tao sa kanyang minamahal. Nasa-shock siya na tinatawag na presidente ang kanyang boyfriend. "Minsan sa kotse pag nakikita siya, sasabihin sa kanya ng mga vendor, Presidente," tatawa-tawang kwento ni Ms. Korina last week.

Wala naman daw sa kanyang sinasabing plano si Sen. Mar, pero nasa kanya (Sen. Mar) kasi ang potential ng isang magiging presidente. Genius nga siya kung i-describe ng marami particular na si Ms. Korina na ayaw makipag - debate sa kanyang bf dahil lahat ng sinasabi nito, tama.

Malaki ang maitutulong ni Ms. Korina kay Sen. Mar sakaling magbalak itong mag-presidente sa susunod na eleksiyon.

Anyway, nag-deny din ito sa issue na nakipag-negotiate si Mar sa GMA 7 nang tanggalin siya sa TV Patrol. "Yes mga kaibigan niya ang mga boss do'n, pero hindi talaga," dagdag ni Ms. Korina.

Consistent din siya sa pagsasabing wala talaga siyang ambisyong pumasok sa pulitika kahit na nga sure winner siya once na pumayag siyang maging pulitiko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home