Sunday, June 26, 2005

A 'Kilig' Article On Sen. Mar and Korina!

PM Tabloid
Skandalosa
By: Cristy Fermin
June 26, 2005


Marami na ring nagtatanong sa amin kung totoo bang hiwalay na rin sina Sen. Mar at Korina, ang balita namin ay hindi raw sang-ayon ang pamilya ng senador sa anchorwoman, pwede naming sagutin nang diretso ang mga tanong dahil nakikita namin ang dalawa.

Imposibleng mangyari ang kumakalat na balita dahil regular namin silang nakikitang magkasama, ganun pa rin ang kanilang estado, madali namang malaman kung paimbabaw lang ang aksyon o totoong-totoo.

At totoo ang nakikita namin, na masaya at kulay rosas pa rin ang mundo nina Sen. Mar at Ate Koring, kapag may libreng oras ang pulitiko ay sinusundo nito si Korina sa ABS-CBN.

Sa kabila ng kanilang mga kompromiso sa araw-araw ay nabibigyan pa rin nila ng oras ang kanilang relasyon, maaaring hindi nga siguro sapat ang naibibigay nilang panahon sa isa't isa, ang mahala ay hindi nila yun napababayaan.

Maasikaso si Ate Koring kay Sen. Mar, parang hari ito kung ituring ng newscaster, sa mga simpleng at maliliit na bagay pa lang ay nagiging saksi na kami dun.

Kapag lumalabas kami (kape-kape kung tawagin ni Ate Koring) ay hindi niya pinababayaang si Sen Mar pa ang mag-ayos ng kakainin nito, siya na mismo ang kukuha sa pagkain, hihiwa-hiwain niya kung kinakailangan at saka ihahain niya yun kay Sen Mar na isusubo na lang.

Hindi naman manhid ang pulitiko, ito naman ang magtitimpla ng kape ni Ate Koring, kung ganun na kabisado na ni Sen. Mar ang timpla ng kape ng newscaster ay puwede na nga nating sabihin na ganun na nila kakilala ang isa't isa.

Nagbibiruan sila na parang hindi tinitingala sa larangan na kinabibilangan nila, may pahampas-hampas pa ang newscaster sa balikat at braso ng senador, kaswal na kaswal sila.

At kapag naman nagsimula na silang mag-usap nang seryosohan tungkol sa mundo ng pulitika ay napakasarap nilang panoorin, nagtatalo sila kung kinakailangan, pero sa bandang dulo ng kanilang paguusap ay magkarelasyon pa rin sila.

Magkalebel ang takbo ng kanilang utak, sa anggulong yun ay panalo sina Sen. Mar at Ate Koring, literal silang puwedeng magkuwentuhan tungkol sa anumang paksa na meron sa ilalim ng araw.

Minsan nga ay kumakawala ang kasutilan namin sa dalawa, diretso namin silang tinatanong kung nagkakaroon pa ba sila ng panahon na para sa kanilang dalawa lang, sabay nilang sumasagot ng "OO NAMAN."

Kung ganun sa kabila ng pagiging sobrang abala nila sa trabaho ay nakakahanap pa rin sila ng oras na puwede nilang pagsaluhan nang silang dalawa lang ay para wala kaming nakikitang dahilan para sila maghiwalay.

Hindi totoo ang kumakalat na balita na hindi boto ang pamila ng senador kay Ate Koring, madalas imbitahan ni Sen Mar ang girlfriend nito sa kanilang bahay, at kasundo ni Ate Koring ang pamilya ng pulitiko.

Kung kailan sila magpapakasal ay isang malaking tanong din ng ating mga kababayan, minsan na namin silang tinanong tungkol dun , pero halos sabay rin silang sumasagot ng hindi pa sa ngayon.

Punumpuno ng lalim at respetuhan ang kanilang relasyon, nagkakaintindihan sila sa lahat ng bagay, nakita na nga ni Korina Sanchez ang lalaking gusto niyang makasama habangbuhay.

*Special thanks goes out to Kace for typing this article.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home