Thursday, June 30, 2005

Reyna Si Korina Sa Piling Ni Senator Mar!

Handaw Raw Magpa-alipin si Korina kay Mar Roxas!
Chika
By: Cristy Fermin
June 30, 2005


Mas nakadagdag sa maaliwalas niyang pananaw sa mundo ang pagdating ni Senador Mar Roxas sa kanyang buhay, tanggapin natin ang katotohanan na ang babaeng minamahal at nagmamahal ay parang halaman na palaging nadidiligan, palaging sariwa ang dating ngayon ni Ate Koring.

Kahit pa masyadong abala si Senador Mar sa mga suliranin ng bayan at siya nama'y halos wala nang pahinga sa kapupunta sa iba't ibang lugar sa bansa para sa kanyang Rated K, ang panahong para sa kanilang dalawa lang ay naihahanap nila ng panahon. Nakakapagdi-dideyt sila, nakakapanood ng sine, nakadadalo pa sila sa mga okasyong hindi nila maaaring pabayaan at nagkikita pa rin sila nang regular kahit pasandali-sandali lang.

Nakaiinggit ang parehang ito parang reyna si Korina sa piling ni Senador Mar, at kaya rin namang magmistulang alipin ng news anchor kung kinakailangan. Kaya yung mga kwentong kumakalat na tapos na ang relasyon nila ay isang panaginip lang, ilusyon lang yun, dahil kulay rosas pa rin ang kapaligiran para sa matapang at prinsipyadong news anchor ng Dos.

* This is just an excerpt from Cristy Fermin's column. If you want to view the whole article, please visit the Pretty KrisKorina Yahoo Group. A big thank you goes out to Kace for typing this article!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home