Wednesday, December 14, 2005

Korina, Feel Magkaanak Kay Mr. Palengke

Korina Feel Magkaanak Kay Mr. Palengke
Bulgar Tabloid
December 13, 2005
By: Ador Saluta

Nung minsang makausap namin si Ms. Korina Sanchez, hindi siya nakaligtas sa usapin tungkol sa plano nilang pagpapakasal ni Senador Mar Roxas. Kung sa year 2006 na nga ba o sa lalong madaling panahon? "Wala pang definite (plan)," malumanay na sagot ni Korina sa amin. "Marami kaming napagkukuwentuhan in the future at kasama na yun, pero wala pa talagang definite. Kung magiging happy ending, okay. Kung hindi kami, di hindi," sey pa ng respetadong broadcast journalist na napapanood sa Rated K.

Wala raw siyang masabi sa sobrang kabaitan ni Sen. Roxas. "He's very down-to-earth, sa tingin pa lang ay edukadong tao at napaka-intellectual pag kausap mo. Ibababa niya ang level ng kanyang understanding depende sa taong nakakausap niya. Very carinoso, kasi nga Ilonggo, and most of all, he's a best friend and a critic," pagmamalaki pa ni Korina sa BF.

Other plans in the future? "Gusto kong magkaanak," diretsong sagot ni Ms. K sa amin. Kung sino ang magiging ama ng kanyang dream baby, sino pa nga ba kundi ang kanyang "LOVE OF MY LIFE," si Senador Mar.

*Special thank you goes out to ate Ana of the K2K Yahoo Group for typing this article.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home