Friday, December 09, 2005

Korina, Gustong Magka-baby

Korina, Gustong Magka-baby
Tempo
Timing
By: Rowena Agilada


Kumusta naman sila ni Senator Mar Roxas? Kailan ba talaga ang wedding? "Ano ba 'yan? (laughs) Napag-uusapan pero wala pa talagang plano. As for now, we're okey. Si Mar na yata ang ambisyon ng maraming babae sa mundo (laughs again)."

What makes him special? "He's very down-to-earth. Simpleng tao. Simpleng magsalita at very considerate as a conversationalist."

Despite their busy schedule sa kanilang respective jobs, they find time for each other, ayon kay Korina. They travel a lot. They go out of town or watch DVD together. Ibinuko pa ni Korina na mahilig kumain si Senator Mar at paborito nito ang ice cream.

May mga nagdududang diumano'y ginagamit lang siya ni Sen. Mar for his political career. What can she say about it? "Hindi ko nararamdamang ginagamit niya ako. Sa edad ko ba namang ito'y magpapagamit pa ako? If ever gusto akong gamitin, may blessing ko naman 'yon," she said laughing.

Asked kung ano pang gusto niya sa kanyang personal life, "Gusto kong magka-baby," walang kagatul-gatol na sabi ni Korina.

~*~

Ang Pilipino STAR Ngayon
December 9, 2005
Rated A


Samantala, inamin niya na napag-uusapan na rin nila ang kasal. Hindi ba naman natatakot si Korina na baka hindi na sila magkaanak ni Sen. Mar?

"Yun na nga. Medyo nag-uusap na kami pero wala pang definite plan. But in the meantime, I'm very conscious of it. I'm very conscious about supplements and all to keep my reproductive system alive. Ako naman siyempre, pangarap ko 'yun. Kung ibibigay sa 'yo, ibibigay, kung hindi, hindi," paliwanag pa niya.

Ayon kay Korina, napaka-homebody ng boyfriend niyang si Sen. Mar Roxas.

"Actually, pareho kaming hindi palalabas. It's either bibisitahin niya ako or doon ako sa bahay nila kasama ang pamilya niya. Family-oriented sila. Very tight. Hindi nga ako sanay kasi 'yung iba kong naging boyfriend puro bad boy," natatawa niyang kuwento.

Pati si Noynoy Aquino? tanong namin.

"Hindi. Good boy din 'yun. Obvious ba na mukhang good boy? Kasi 'yung iba, adventurous, pala-labas sa gabi, pala-sayaw," aniya.

Marami ang naniniwala na malaki ang naitulong ni Korina sa pagiging No. 1 senator ni Mar Roxas nung nakaraang halalan.

"Yes. He is the first to say na malaki rin ang kinalaman ko doon but you have to give it to him na malaki rin ang ginastos ng family niya for the election," ani Korina.

Biniro namin si Korina na hindi malayong maging First Lady siya kapag tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa si Sen. Mar. "Nakakatawa nga, eh. Pati yung mga cigarette vendors ang tawag sa kanya ay Mr. President. Ganun!"

0 Comments:

Post a Comment

<< Home