Monday, March 16, 2009

Wedding Bells For Mar and Korina?

Sen. Mar Roxas and Korina Sanchez Ikakasal Na?
Originally Posted at : http://snnonline.multiply.com/
March 13,2009



Video from You Tube

Sunod-sunod ang mga nagtanong sa mag-sing irog na sina Sen. Mar Roxas at ABS-CBN chief correspondent Korina Sanchez nang sabihin ni Kris Aquino sa SNN na inimbitahan ang kanyang anak na si Baby James na maging ring bearer sa kasal nila. “Kayo naman pinangungunahan niyo ako, pabueluhin niyo naman ako ng kaunti,” natatawang sagot ni Sen. Roxas sa mga media na nakahuli sa kanila ni Ms. Korina Sanchez sa concert ni Natalie Cole kamakailan lang.

Natawa rin si Korina nang banggitin ang nasabi ni Kris sa show. “Alam mo matagal na akong minamadali ni Kris. Marami na ring manghuhula ang nasira sa petsang ito. Kayo ang unang makakaalam. Mahirap naman kasi kung hindi pa naman ako tinatanong,” sabay tingin ni Korina sa kanyang katabi. “Pa-bueluhin ninyo naman ako,” sabay sabi ni Sen. Roxas.

Nagparinig naman si Korina sa kanyang boyfriend nang tanungin tungkol sa pagiging ring bearer ni Baby James. Sobrang cute daw ng baby ni Kris nung huli silang magkita at approve kay Korina ang pagiging ring bearer nito. “Nga lang sana, wag naman 12 years old na siya,” nakangiting sabi nito. Nagjoke na lamang si Sen. Roxas at sinabing kabilang si Natalie Cole sa ino-audition nila sa kanilang entourage.

Sabi naman ni Kris, two years old na si Baby James sa April 19. Hopefully soon na raw ang magaganap na kasalan ni Sen. Roxas at Ms. Sanchez dahil marami na ang sabik sa okasyon na ito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home