Thursday, July 09, 2009

Korina and Senator Mar Spend Quality Time in Hong Kong

Korina and Senator Mar Spend Quality Time in Hong Kong
www.abs-cbn.com
by: Heidi Anicete
July 08, 2009


Kahapon ay nakauwi na mula sa kanilang 4-day-long Hong Kong trip ang soon-to-be-wed couple na sina Senator Mar Roxas at Korina Sanchezat malugod namang pinaunlakan ng bride-to-be ang SNN para sa isang maikling panayam ukol sa nasabi nilang bakasyon. Masayang ibinahagi ni Korina ang detalye ng pagspespend niya ng quality time with Senator Mar. Hindi raw matawaran ang sweetness na ipinakita ng kanyang soon-to-be-groom all throughout their vacation, na siya namang mas nakapagpagaan ng loob niya despite all the pressures patungkol sa nalalapit nilang kasal. Pagbibigay diin niya dito, 'Ang bait-bait niya [Senator Mar] itong trip na 'to. Talagang wala kaming pinag-awayan. Talagang sweet na sweet.'

Matapos raw nilang silipin ang summer outdoor activity school na napipintong pasukan ng anak ng sendor na si Paolo Roxas ay sadyang naubos nila ang oras kakalibot sa Hong Kong. Tila marathon ng shopping at food trip daw ang inatupag nilang dalawa sa kahabaan ng kanilang bakasyon. Bunsod na rin ng napakaraming tempting na restaurants sa Hong Kong, hindi na rin itinanggi ni Korina na medyo nakaligtaan niya ang diet noon kaya naman daw mukhang kakailanganin niyang mag-umpisa ulit na magcut down para muli siyang magkasya sa kanyang wedding dress.

At ngayon ngang nakabalik na muli silang dalawa sa bansa, resume na raw ulit ang madugong pagplaplano nila para sa kanilang much awaited wedding. At dahil nga inaasahang maraming bisita ang dadalo sa nasabing okasyon, medyo natatagtag na raw sila kakahanap ng malaking simbahang pwedeng magaccomodate ng kanilang very special day. As of now, wala pa siyang inihahapag na exact date kung kailan gaganapin ang enggrandeng kasalang ito, pero isang pangako ang kanyang iniwan: sa meeting na iseset niya to finalize all the details regarding their wedding, kasama ang SNN.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home