Korina Sanchez Talks Of Wedded Bliss With Senator Mar Roxas

PEP.ph
By : Melba R. Llanera
November 22, 2009
With her stature as a highly respected and well-known broadcast journalist, di biro-biro ang mga ginawang pagsasakripisyo ni Korina Sanchez sa kanyang career nang pakasalan niya si Senator Mar Roxas.
Nag-file siya ng indefinite leave sa ABS-CBN News and Current Affairs, at tuluyang namaalam siya sa radio show nila ni Ted Failon sa DZMM, kung kaya't nagsara na ang Tambalang Failon at Sanchez. Pero mukhang lahat naman ito ay may magandang kinalabasan.
Sa interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) habang sinu-shoot ang bagong station ID ng ABS-CBN, masayang ikinuwento ng dating news anchor ang mga nararanasan niya ngayon bilang Korina Sanchez-Roxas.
"Sobrang nakakatuwa si Mar kasi very respectful siya. Parang nagkaroon kami ng bagong uri ng respeto sa isa't isa, parang lalo kaming demonstrative, lalo kaming nagsasabi sa isa't isa kung ano ang naiisip namin, you know, how much we appreciate each other. Talagang gigising 'yan at sasabihin sa akin, 'Alam mo, alam ko kung ano ng sinakripisyo mo para sa akin and ayokong nakakalimutan mo na alam ko yun,' and just today he told me that.
"Yan ang isang bagay na nalaman ko tungkol sa kanya, consistent pala siya. Akala ko magbabago kasi malay mo, di ba? Pag mag-asawa na kayo, sinisigawan ka na, panay na ang utos sa iyo, pero hindi pala. Para akong donya."
DOMESTIC DIVA. Ibinahagi rin sa amin ni Korina ang mga pagbabagong nakita niya sa sarili niya mula nang pumasok siya sa buhay may-asawa.
"I hate to say it pero lumalabas talaga yung pagka-domesticated ko bigla. Dati, wala akong pakialam sa bahay niya, may sarili akong bahay. Yun maganda, sa kanya makalat. Pero ngayon, di na puwede yun. Sinasabihan ko talaga yung mga kasama ko sa bahay, di na ngayon puwede 'yan, ayokong may kalat. Ang mga mesa basta nakitang walang laman, biglang papatungan ng kung anu-ano, di na puwede 'yan ngayon.
"Saka pag sinabi kong may Christmas tree tayo ngayon, may Christmas tree na tayo ngayon. Di tulad dati na galit na galit siya, Nobyembre pa lang may Christmas tree na siya. Ngayon ako na ang busy sa mga Christmas decorations...
"Ngayon pa lang nagbabalot na ako ng mga regalo, mayroon na ako Christmas lists. Siguro mayroon na ako 40 gifts sa bahay at pamimigay na lang yun. Yung mga giveaways sa wedding na di umabot, can you imagine libo-libo yun, isa-isang pinapadala yun at may thank you card pa 'yan, so I'm very domesticated these days and I think until January domesticated ako."
SECOND HONEYMOON. Ito ang kauna-unahang Christmas nina Mar at Korina bilang mag-asawa, at this December din ay magse-second honeymoon sila. Ang first honeymoon nila ay ginawa sa Japan.
"Excited ako kasi ang balak namin sa Italy kami, kasi ito na yung totoong honeymoon namin kasi yung isa, honeymoon-honeymoon-an lang yun. Ang dami naming trabaho pareho. Bumalik kami agad after eight days and nasa Japan nga kami, nag-iisip pa rin yun ng mga nangyayari dito. Hopefully in December, pupunta kami sa mga lugar na di ko pa napupuntahan. It's going to be my first Christmas out of the country kung matutuloy kami."
Tinanong namin ang batikang news anchor tungkol sa pagkakaroon ng anak at kung babalik pa siya sa isang daily show gaya ng TV Patrol.

"'Wag na muna nating pag-usapan 'yan, one miracle at a time. Regarding shows, pag-uusapan pa 'yan."
Talagang inaabangan ang mga station ID ng ABS-CBN tuwing may bagong lalabas. Masaya si Korina na parte pa rin siya ng station ID, bilang host ng lifestyle program niyang Rated K.
"Natutuwa ako na ang ABS-CBN, year in and year out, ang gusto talaga nilang ipakita ay pag-asa. Ginagawa nating inspirasyon sa bawat isang tao na bagama't mayroon tayong unos nung mga nakaraang buwan, walang kahit na anong bagyo pagdating sa mga Filipino. Kahit na ilang bagyo pa 'yan, ang pag-asa natin, lulutang at lulutang na parang salbabida."

0 Comments:
Post a Comment
<< Home