Sunday, January 31, 2010

Korina, Nala-lockjaw Dahil Kay Mar!

Korina, Nala-lockjaw Dahil Kay Mar!
Abante
I Know Better
By : Jun Nardo

January 30, 2010

Pabirong sinabi ni Korina Sanchez na nagkaroon siya ng training on not to talk too much nu’ng humarap sila ng vice presidentiable niyang husband na si Mar Roxas courtesy of Mother Lily Monteverde.

“Nakabantay pa nga si Veanna (Forres, pinsan ni Mar) ngayon kaya parang ayaw bumuka ng bibig ko! Nala-lock jaw ako bigla! Ha! Ha! Ha! Natiyope ako bigla! Basta, I will take the cue from Mar sa mga gagawin at pati na sa iuutos niya,” pahayag ni Koring.

Pagdating naman sa baby, kelan magaganap ‘yon?

“Wala pa, wala pa. We keep on trying!” sey ni Sen. Mar.

“One miracle at a time. Natapos nga ang himala ng kasal. Hindi ko alam na ikakasal pa ako! Pati nga siya, eh. Ha! Ha! Ha!"
“Mahirap magkaanak pag panahon ng kampanya. After the campaign, puwede na naming pagplanuhan ‘yan!” salo naman ni Korina.

Larawan nga ng masayang couple sina Sen. Mar at Korina na kahit intrigahin pa marahil ng ibang senador, never na maaapektuhan ang maganda nilang relasyon bilang mag-asawa, huh!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home