Tuesday, November 30, 2010

Korina : I’m A Submissive Wife

Korina: I’m A Submissive Wife
www.abs-cbnnews.com/
By : Bernie Franco
November 29,2010



MANILA, Philippines - Sa pagbabalik ni Korina Sanchez sa “TV Patrol” ay sinabi niyang hindi naman siya nahirapan sa pag-aadjust matapos ang halos isang taong pagkawala.

Sinabi rin niya sa kanyang “The Buzz” interview na pinanatili niya ang kanyang kredibilidad sa industriya. “Ang tao yata gusto nila ‘yong totoo, ke nagpapatawa ka, malungkot ka, galit ka. Kung ikaw ay sincere, credible ka sa kanila,” aniya.

Malaki raw ang pagkakaiba nila ng kanyang mister na si dating senador na si Mar Roxas sa pag-uugali pero maganda raw ito upang maging balanced ang kanilang pagsasama.

“These are the differences that keep us balanced. Ang hirap naman ang parehong-pareho kayo, boring yata,” sambit ng broadcast journalist. “Maganda ‘yong ‘pag sobra kang bilis, siya ‘yong pumipigil sa akin ng konti o kaya ‘pag siya naman ang padalos-dalos ako ang nagpipigil sa kanya ‘di ba?”

Mahirap man daw paniwalaan ay submissive daw si Sanchez sa kanyang mister.

“Baka hindi siya pumayag na masunurin ako,” sabay tawa niya. “’Di nahahalata ni Mar na masunurin ako kasi wala akong reklamo. Hindi niya nahahalata kasi oo lang ako ng oo.”

Matindi raw ang pinagdaanan nila ni Roxas nang matalo ang politician sa pagtakbo niya bilang vice president ng bansa pero mas pinagtibay umano nito ang kanilang relasyong mag-asawa.

“’Yong nangyari noong eleksyon lalong nagpatibay ng aming pagsasama kasi napakahirap noong nangyaring ‘yon sa kanya. ‘Di inaasahan sa pinakamalim at pinakaimportanteng lebel. Lalo naming napatunayan sa isa’t isa na we’re in this through thick and thin. That’s what kind we’ve struggled with na abnormal ‘yong pagkatapos ng kasal ‘yon na kaagad. Sana kung masaya ‘yong kinalabasan pero hindi. Pero you know, misery is optional. There’s always an option to look at the glass half full rather than half empty.”

Hindi rin daw niya pipigilan kung mag-desisyon si Roxas na tumakbo muli sa hinaharap at susuportahan daw niya ang asawa nang buo.

“Kapag nanumpa na kayo sa harap ng dambana, iba. For some reason ang feeling mo isa na kayo. Kung ano’ng landas niya doon ka susunod,” ani Sanchez.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home