Monday, May 16, 2011

Pagmamahal Ni Korina Sanchez, Best B-day Gift Para Kay Ex-Sen. Mar Roxas

Pagmamahal Ni Korina Sanchez, Best B-day Gift Para Kay Ex-Sen. Mar Roxas
Bombo Radyo Philippines
May 13, 2011



Wala na umanong mahihiling pa si dating Senador Mar Roxas na nagdiriwang ng kanyang 54th birthday ngayong araw, kungdi ang pagmamahal ng kanyang asawang si Korina Sanchez.

Sa isang panayam, ikinuwento ni Roxas na kagabi palang ay naghanda si Korina ng special dinner para sa kanilang dalawa subalit the best pa rin daw ang pagmamahal ng kanyang misis.

Kung maaalala, pinasinungalingan ni Korina ang kumalat na balitang hiwalay na sila ni Mar at sa katunayan aniya, "they are so much in love with each other."

Samantala, maaga palang kanina ay pumila ang dating senador sa Land Transportation Office (LTO) upang kumuha ng lisensya. Sa halip na mainip ay nag-enjoy itong manood ng laban ng Atlanta Hawks at Chicago Bulls.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home