Tuesday, July 12, 2011

Korina Sanchez, Ipinagmalaking Alagang-alaga Niya Si Sen. Mar

Korina Sanchez, Ipinagmalaking Alagang-alaga Niya Si Sen. Mar
Bombo Radyo
July 10, 2011


Muling pinabulaanan ng broadcast journalist na si Korina Sanchez ang hindi pa rin daw namamatay na isyung hiwalay na sila ni Sen. Mar Roxas.

Ayon kay Korina, marahil ay pilit lamang silang pinaghihiwalay dahil napakasaya ng kanilang relasyon at nasa proseso sila ng paggawa ng kanilang supling.

Ipinagmalaki rin ng nasabing brodkaster na alagang alaga nito ang kanyang mister.

Nagyo-yoga din daw sila together at humahanap ng oras para sa iba pang uri ng bonding mag-asawa.

Masaya rin daw si Korina dahil never siyang binigyan ng dahilan ni Roxas para magselos.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home