Senator Mar Roxas Relates Relationship With Korina Sanchez and Reveals Having A son Out of Wedlock
August 28, 2008
By: Julie Bonifacio
"Matagal pa yung 2010," bungad ni Sen.Mar.
Pero gumatong pa ang press na kung TV exposure lang daw ang pag-uusapan, lamang na raw si Chairman Fernando sa kanya dahil sa pagsali nito sa Celebrity Duets sa GMA-7.
"Hindi ako marunong kumanta. Mabuti pa siya, may talent siyang kumanta. Pero okey lang yun. Hindi naman yun nakukuha lahat sa TV exposure. Kanya-kanya namang diskarte ‘yan, e. Kanya-kanyang plataporma. E, kung marunong lang akong kumanta, e, di..." sabay tawa ni Sen. Mar.
Bulung-bulungan din ang namumuong tandem daw ni Sen. Mar at ang Batangas Governor na si Vilma Santos-Recto na tatakbo naman daw sa pagka-bise presidente ni Sen. Mar.
"Sa totoo lang, hindi ko pa napapag-isipan yun. Pero lahat naman dapat i-consider, batay sa kanilang plataporma, track record at pagpresinta sa mga tao. Pero ang alam ko, tuwang-tuwa ang mga tao sa Lipa. At ngayon, bilang first term Governor. Maganda naman ang nadidinig natin."
Sa tingin ba niya malaki ang chance ni Senator Bong Revilla kung ito naman ang tatakbo bilang vice-president ng bansa?
"Palagay ko naman malaki ang chance niya. Magkasama kami sa Senado. Alam ko siniseryoso niya ang trabaho niya. Magka-seatmate kasi kami dati. Ngayon may isang silya na ang agwat namin."
NOT THE FIRST LADY. Kapag nanalo si Sen. Mar bilang presidente ng Pilipinas, posible na si Korina naman ang kanyang magiging First Lady.
"First Lady ko si Korina? Uh, ayoko ng first, kasi may number two, may number three. Gusto ko siya ang aking my only lady," ngiti ni Sen. Mar patungkol sa kanyang News and Public Affairs TV host-girlfriend na si Korina Sanchez na nakaupo naman sa katabi lang na table ng pinag-iinterbyuhang table kay Sen. Mar.
Kailan nga ba nila balak magpakasal ni Korina?
"Siya ang dapat ninyong taaungin niyan. Ang lalaki, taga-pagtanong pero ang taga-tanggap ng proposal, ang babae. Basta, nagkindatan na kami."
HOW THEY MET. Anim na taon na ring magkasintahan sina Sen. Mar at Korina. Not much is known about how they met, kaya nga tinanong ng PEP ang senador kung paano ba sila nagkakilala ng matapang na ABS-CBN news host?
"In-stalk niya ako. Ha-ha-ha!" birong sagot ng senador. "Hindi, hindi. I'm sure I have a sense of humor naman na hindi naman.... Actually, una kaming...yung sa akin, ha, yung sa memory ko. Hindi ko alam ‘yung sa kanya. Merong isang gabi sa National Press Club (NPC) yung may mural. Meron silang award-awards na ako, parang outstanding congressman, something like that, siya naman ‘ata outstanding broadcaster, ganun. Na bumabagyo pa noon, umuulan...etcetera. Malamig, oo, malamig yun,. Malaking okasyon ‘yon, maraming tao. Nagkataon na naging seatmate kami."
Ano ang first impression niya kay Korina?
"E, di maganda siya. Nung panahon na ‘yon, sabi ko, ang ganda nito, bright, ang tapang. Isnabera pa ng konti. Parang hindi basta-basta."
Una raw nagpakilala si Sen. Mar kay Korina since siya ang lalaki. Pagkatapos ay nag-shake hands sila. May kuryente ba siyang naramdaman nung magkamay sila ni Korina?
"Kumidlat pa nga noon, e."
What did he like best about Korina?
"Our conversation," ngiti niya.
Pagkatapos daw ng first meeting nila ay hindi na sila nagkita pa uli ni Korina. Ni hindi nga raw sila nagkapalitan ng number that night.
"Wala pa yatang cell phone noon, e. Kung meron man, hindi yata kami nagkapalitan ng numero. But I think at some point, nainterbyu niya ako. At some point, congressman ako, naintebryu niya. ‘Tapos, ‘Uy,' ganun. ‘Kumusta?' ganu'n. Pero...hindi magkatugma yung timing. ‘Di ba, okupado ako, okupado siya? Basta, hindi magtagpo ang schedule naming dalawa."
Pero paano ng sila nagtagpo uli? Sino ang gumawa ng paraan?
"Diyos," sagot ni Sen. Mar. "Hindi showbiz [na sagot] yun," bawi't depensa ng playful na senador. "'Eto, peksman. Kasi sa Amerika, e, hindi ba...I mean, pwede ring sabihing may interview ako sa ANC nagkita kami. Hindi, e. Ang laki ng Amerika, ang layu-layo. Kinailangan mo pang mag-visa."
Nagkataon daw na pareho silang may trabaho nung magkita sa
"Oo, kasi ...what movie was that nga...in
Isip din si Korina kung ano nga ang title ng pelikulang tinutukoy ni Sen. Mar, hanggang sa pareho nilang maalaala. "Matrix!" sabi nila pareho.
"Kaya lang, that time, yung [plane] ticket niya kailangang i-renew, ipapa-validate niya kaya panay ang text niya para makatagal pa siya sa U.S."
Kinabukasan, nag-lunch sila sa isang French restaurant sa
Sila na ba that time?
"Nagkakindatan na rin kami noon. Ha-ha-ha!"
Sinagot daw siya ni Korina nung May 21, 2002. Hindi raw nila makakalimutan ang petsang yun dahil kasabay din ito ng kaarawan ng Superstar na si Nora Aunor. Nagkaroon ba sila ng theme song?
"Hindi na uso ‘yan sa mga over 40," sabat ni Korina from her table, overhearing the question for Sen. Mar.
"Alam ninyo ginawan kami ng kanta ni Lito Camo," pag-inform naman ni Sen. Mar sa umiinterbyu sa kanyang press people.
PRECIOUS TIME. Galante bang boyfriend si Sen. Mar Roxas? Anu-ano na ba ang gift niya kay Korina?
"Regular lang. Pero yung pinakaginugusto niyang gift, sinasabi niya—yung panahon. At ako rin ang pinaka parati kong hinihingi at ginugustong gift, time din."
"Tsaka yung time na, hindi pwede na sa kaliwang kamay niya cell phone, sa kanang kamay niya holding hands kami. Ay, hindi. Kapag hawak niya ang cellphone niya, ay, hindi, ayoko. Gusto ko, ako lang, ganun."
So ibig sabihin malilimitahan na niya sa pagtatrabaho si Korina kapag kasal na sila. Pipigilan na niya ito?
"Ako, kung ako ang tatanungin, mas gusto ko yun. Pero alam ko kung gaano kalahaga kay Korina ang kanyang career, talagang siniseryoso niya."
Ano naman ang kanilang terms of endearment?
"Depende," sabi ni Sen. Mar. ‘Pero yun, ‘Honey.' Kung magaan na magaan, yung talagang tawanan , light, joking sa text, ‘Heney [Binisayang Honey].' Katuwaan lang."
WHAT THEY TALK ABOUT. Tungkol sa pulitika at national issues pa rin ba ang pinag-uusapan nila ni Korina kapag silang dalawa na lang ang magkasama?
"Meron, pero madalang na madalang. Kasi kung nagsasama kami, halos, by mutual consent, yung parang... ‘Pwede ba huwag natin papasukin ang mundo?'
Kasi yung araw-araw niya, yung araw-araw ko, parehong magulo. Alangan namang kapag nagkita kami, alangang MOA [Memorandum of Agreement] pa rin at MILF [Moro Islamic Liberation Front] pa rin ang pag-uusapan namin. So, hangga't maaari hindi namin ‘yan pinag-uusapan. "
Ano ang pinag-uusapan nila?
"Wala, landian lang, ganun. Ha-ha-ha!"
Saan niya puwedeng i-level si Korina, sa hanay ng true love, my only love, endless love, o last love?
"Hindi naman puwedeng first love, ‘di ba? May edad na tayo.... Last love," lahad ni Sen. Mar.
"Alam mo, di ba, may kasabihan na ang lalaki gusto niya siya ang pinaka, the greatest love? Ang babae, gusto niya siya ang last love."
TAMING KORINA. Kilalang matapang at no-nonsense na public affairs host si Korina. Paano niya naman na-tame ang ganitong katapang na babae?
"Taasan ng kilay, ganun! Ha-ha-ha!"
Sweet ba si Korina?
"Hindi. Servicial si Korina. Yung mapagsilbi."
Paano siya sinisilbihan ni Korina?
"'Anong gusto mo?' ‘Saan tayo kakain?' ‘Tapos siya na ang magpapa-reserve. Maasikaso," rebelasyon ni Sen. Mar kay Korina.
OPPOSITES ATTRACT. Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho nila ni Korina?
"Ah, ako...gyera ito. Ha-ha-ha! Ako very orderly ako. Si Korina is more last minute. In other words, kung merong flight, ako gusto ko, one hour before nandun na ako. Ayoko ng ninenerbyos na maiiwanan ka, may traffic, yung ganun-ganun, ‘no."
"Si Korina, malaki ang tiwala niya. Hindi naman aantayin siya pero darating siya, ganun. Kaya minsan nung may biyahe kami, kanya-kanyang tiket kami. Basta magkita tayo sa airport kasi talagang..."
Ilang beses lang ba sila magkita sa loob ng isang linggo?
"Madalas na madalas. Pero it's not the number, e, it's the quality. So, kahit kung minsan nagkikita kami, kahit araw-araw, 15 minutes, pero wala, e. Basta magkita lang. Hindi naman every day pero halos every day. Pero ganun lang, ‘O, I have to go, I have to go.' So weekend lang talaga na mas mahaba, mas relaxed."
MILF. Saan sila nagre-relax kapag weekend?
"Kung minsan nagkukulong lang kami, nanonood ng TV. Kasi, ‘di ba masyadong pressure-filled yung buhay ko, yung buhay niya? Siya mismo, di ba? I mean, katulad niyan nung ininterbyu niya si Alhaj Murad [MILF military affairs chief]. E, text ako sa kanya."
"Mamaya siyempre baka makidnap din si Korina. Ang posisyon ko, kontra ako sa kanila, ganun. Pumunta siya roon. Tinext ko pa siya, na, ‘Makipagpalit ka ng kuwarto sa P.A. mo. Kasi kung, lets say room number 36, e, di at least kapag nilusob yun hindi ikaw ang nandun.'"
Ano'ng gagawin niya kung magmala-Ces Drilon si Korina sa kamay ng MILF?
"Una, mumurahin ko siya. Kasi sinabi ko sa kanya, ‘Huwag kang pumunta roon, e.' Sinabi ko sa kanya, ‘Pambihira, sinabi ko na huwag kang pumunta, e!'"
Pero tumuloy nga si Korina. Humingi ba ng sorry sa kanya si Korina when she went to the MILF camp?
"Hindi, ipinasa na lang niya ako sa P.A. niya. Yun na ang kausap ko kasi."
USING KORINA? Nung unang mabalitang nanliligaw si Sen. Mar kay Korina ay marami ang nagpalagay na gagamitin lang ng senador ang TV host para isulong ang kanyang political career.
"Maaaring ‘yan ang naisip ninyo. Nasa sa inyo yun. It's more of a reflection of you than of me," malaman na sagot ni Sen. Mar.
Naba-bother ba siya sa ganung isyu sa kanya sa pakikipagrelasyon niya kay Korina?
"Hindi. Okey naman kami." Kumbaga raw, ang iniisip na lang ni Sen. Mar, "Hindi naman ikaw ang ka-holding hands ko. Siya [Korina] yung ka-holding hands ko."
Ang tao naman daw kasi iisipin nila kung ano ang gusto nilang isipin.
"May malisya man o hindi, puwede mong aksayahin ang panahon mo na hahabulin mo lahat ‘yan. Iki-care mo or ilagay mo ang oras mo at atensyon mo sa buhay mo, di ba? Mas preferred ko yun."
THE SENATOR'S SON. Kinalikot na rin ng press ang future ng relationship nina Sen. Mar at Korina nang tanungin ang senador kung ilang anak ba ang gusto niya?
"Kung ako ang tatanungin, siguro mga tatlo o apat. Ilang boys at ilang girls? Kung ako tatanungin siguro...hindi ko alam."
"Alam mo, may anak na ako, e. May anak na ako sa ilang taon na hiwalay kami... He's a boy."
Anak ba yun ni Sen. Mar sa kanyang first love?
"Hindi, not the first [girlfriend]. Sa nanay niya siya nakatira. Pero kung puwede huwag na nating bulabugin ang buhay niya. Tahimik, e."
So ilan nga ang gusto niyang maging anak na babae at lalaki?
"Ako, masarap yung anak na lalaki kasi kabarkada mo, kalaro mo ng sports. Kaharutan mo, ganun. Pero iba yung anak na babae. Talagang, nakikita ko sa bayaw ko. Asawa ng kapatid ko, may anak sila nakikita ko yung mga daughter niya, mga pamangkin ko."
So, ang gusto naman niya na susunod na anak ay babae?
"Oo, girl. Girls are nice I think."
BALANCED SPENDER. Naisulat din dati na pinapalitan na ni Korina ang relo ni Sen. Mar pero hindi raw pumayag ang senador.
"Oo, mura lang ‘to. Timex. Mag-e-18 years na ito sa akin. Pinapalitan ko lang yung strap. Binili ko at proud na proud ako kasi US $22!"
"O, biro mo may ilaw pa! Kung magbiyahe ka may pangalawang oras pa," pagmamalaki pa niya sa kanyang relo.
Napaka-simple raw kasi ni Sen. Mar. Pero sa bahay niya, nagkalat diumano ang mga mamahaling paintings ng tulad ng mga gawa ng National Artist na si Fernando Amorsolo.
"
So kuripot ba siya?
"Hindi naman. Pero nasa lugar," depensa niya.
Maglulunsad si Sen. Mar ng kanyang programa na tinawag niyang "Recession Meal." Sa murang halaga, may sosyal at masustansyang pagkain na ang mamamayan.
Naging kakaibang experience daw para kay Sen. Mar ang pagharap niya sa ilang piling members of the entertainment press na uminterbyu sa kanya.
"Hirap na hirap ako. Parang naglalakad ako sa quicksand," tawanan tuloy ang lahat.