Sunday, December 11, 2011

Kahit Isa Lang, Korina Umaasa Pa Ring Magkakaanak

Kahit Isa Lang, Korina Umaasa Pa Ring Magkakaanak
Pilipino Star Ngayon
Showbiz News Now Na!
By : Boy Abunda
December 10, 2011



Nagkamit si Korina Sanchez ng Hall of Fame award sa katatapos lamang na Anak TV Seal Awards. Malaking karangalan daw para kay Korina ang ipinagkaloob sa kanya. “Ang ibig sabihin nun may katandaan na tayo. Medyo nari-remind ako sa aking age dahil matagal na tayo sa broadcast, so maganda, masarap ang pakiramdam. Well more than just one award which is a Hall of Fame. I think it signifies the consistency na na­ging basehan ng pagbibigay nila ng parangal taun-taon and natutuwa naman ako kahit paano eh nakilala ‘yung tuluy-tuloy na quality control naming mga Hall of Famers so huwag na nating isipin ang edad,” nakangiting bungad ni Korina.

Espesyal daw para sa news anchor ang kanyang award na tinanggap dahil ang mga bumuboto rito ay mga kabataan. “Para nating sinasabi na hindi nagsisinungaling ang kabataan, sinamahan pati siyempre ng akademya at saka ng iba pang miyembro, lupon ng inampalan ng Anak TV, so very credible body. That’s why among many, many awards, this takes the center stage on our shelves, it’s really important, and I also believe that the Hall of Fame award also allows others to come up so others can also prove themselves,” paliwanag ni Korina.

Sa kanyang acceptance speech ay nasabi ng broadcast journalist na umaasa siyang magkakaroon pa rin sila ng anak ni Senator Mar Roxas. “I’ve been wanting a baby since twenty years ago. In high school, I was the one most likely to have most kids because I love children. Let’s see, God willing because I’ve worked so hard for other’s kids. So maybe He’ll bless me with at least one,” pahayag ni Korina.

Korina Sanchez Still Hopes To Have A Baby Soon

Korina Sanchez Still Hopes To Have A Baby Soon
www.push.com.ph
By: Bernie Franco
December 9, 2011


Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang batikang broadcast journalist na si Ms. Korina Sanchez,47, na mabigyan sila ng kanyang asawang si Sen. Mar Roxas ng supling. Ito ang ipinahayag ng Rated K host during the Anak TV Seal Awards na ginanap kahapon, December 8, kung saan ginawaran ang kilalang broadcaster ng Hall of Fame award.

“I’ve been wanting a baby since 20 years ago,” paliwanag ni Korina sa interview after the awarding, matapos hayagan niyang sinabi during her acceptance speech na umaasa siyang mabiyayaan na ng supling. “In high school, I was the one most likely to have most kids because I love children. Let’s see, God willing, because I’ve worked so hard for other’s kids. I love kids God knows that, so maybe He’ll bless me with at least one.”

Samantala, karangalan naman daw para sa kanya na magawaran ng Hall of Fame ng Anak TV. “Ang ibig sabihin no’n may katandaan na tayo,” biro niya. “Medyo nari-remind ako sa aking age dahil matagal na tayo sa broadcast, so maganda, masarap ang pakiramdam. Well more than just one award [which] is a Hall of Fame, I think it signifies the consistency [na] naging basehan ng pagbibigay nila ng parangal taon-taon and natutuwa naman ako kahit paano, eh nakilala ‘yung tuloy-tuloy na quality control naming mga Hall of Famers so huwag na nating isipin ang edad.”

Sa mga award na natatanggap ni Korina, sinabi niya na espesyal ang Anak TV dahil ang bumoboto rito ay mga kabataan. “Parati nating sinasabi na hindi nagsisinungaling ang kabataan, sinamahan pati siyempre ng akademya atsaka ng iba pang miyembro, lupon ng inampalan ng Anak TV, so very credible body. That’s why among many, many awards, this takes the center stage on our shelves, it’s really important. And I also believe that the Hall of Fame award also allows others to come up so others can also prove themselves.”

Naniniwala ang batikang brodkaster na ang pagbibigay ng edukasyon at poverty alleviation ang susi sa mas magandang kinabukasan. Kaya raw sa kanyang simpleng pamamaraan bilang broadcaster ay mahalaga ang pagiging responsable sa mga binibitawang salita. “I believe all platforms as powerful as radio, television or print should be dedicated partially to at least to alleviation of poverty, which benefit children,” aniya.