Korina, Tagapatay Ng Daga Sa Bahay Ni Sen. Mar
Journal Online
By : Vinia Vivar
January 30, 2010
“I’m very, very happy,” simula ni Sen. Mar. “I don’t know, hindi ko alam kung paano ko. . . kung ilang “very” ang gagamitin ko pero very, very, very happy. ’Yung wedding day was magical, was such a high point, at saka talagang feel na feel ko, tuwang-tuwa ako talaga na mayroong isang Korina Sanchez na tinanggap ako at masasabi ko lang, from that day, then it got better pa. So, talagang hindi ko ma-describe how a wonderful life is.”
Although aniya ay hindi naman siyempre always smooth ang lahat dahil nasa adjustment period pa naman sila.
“Meron ding mga away, lots of adjustment, like mas maaga ako matulog saka magising kaysa sa kanya, ’yung mga adjustment na ganu’n. Kinausap niya ako few weeks ago, sabi niya, “honey, sa totoo lang, I suffer every night because ’yung kumot, natutulog daw siya nang malamig, nilalamig siya, ganu’n. So, all of these things are part of adjustments. “Pero we have a lot of fun, and ang foundation nga is love, so, kahit mayroong mga rough patches, mga turbulence ay ano naman. I remember one thing I woke up, we had a little quarrel the day before, nandu’n sa mirror sa banyo, may note siya na nilagay du’n na “you know, I maybe pouting, I maybe throwing a tantrum, but I will always love you and I will always be there for you.” So, what a way to start your day, ’di ba? “So, ’yung mga ganu’n ba. So, it’s really quite magical and I recommend it highly, I recommend marriage highly,” mahabang say ni Sen. Mar.
Si Korina naman ay nag-e-enjoy daw siya sa kanyang bagong papel ngayon sa buhay which is maybahay nga ni Sen. Mar.
“Medyo alas-dies na ako nagigising, hindi na kailangang alas-siyete. Pali-nis-linis, ayan. Tapos, nang-huhuli ng daga sa bahay. Enjoy din ako doon. Kasi that’s the side of me that I’ve lost touch with for a while coz I’ve been too busy with Channel 2. Three daily shows ako dati. “The slower pace, well, medyo mayroon akong ano, parang I have a bit of separation anxiety at saka mayroon akong withdrawal symptoms, pero I’m slowly wheeling myself out of that paranoia, parang nadyo-jolt ako, eh, na wala akong ginagawa sa umaga. Pero, aba, okay ‘to. Hindi na ako nagmamadaling mag-make-up kasi may deadline. Tapos I can take my coffee every morning without having to look at my watch because... you know my life before was just one deadline after the other within the day,” say ni Ate Koring.
Sa ngayon ay pa-relax-relax lang daw siya at hindi rin daw siya masyadong pumapapel sa kampanya unless utusan siya ng asawa. After the elections ay pinaplano rin daw niyang mag-aral abroad pero depende pa rin kung ano ang ibibigay sa kanya ng ABS-CBN at siyempre, kung ano rin ang sabihin ng kanyang mister.
Ang pinakakaabangang marinig ng lahat ay kung nakabuo nab a ang mag-asawa, meaning, buntis na ba si Ate Koring?
“Wala pa, wala pang project na nabuo,” Sen. Mar said laughing. “But we keep trying.”
Sabi naman ni Korina, “one miracle at a time. Natapos ang himala ng kasal, hindi naman natin alam na ikakasal pa ako at lalo naman siya. ‘Yung anak, saka na ‘yun. Alam mo, mahirap ang magka-anak pag panahon ng kampanya. So, we’re not planning that yet. Siguro, pagka nanalo na siya, ayan. Pwede nang pagplanuhan ’yan.”